F2 PERFECT!

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
2:00 p.m. – Navy vs. Amy’s
4:00 p.m. – Cignal vs. Generika
6:00 p.m. – RC Cola Army vs. F2 Logistics

Nasagad sa five sets ang F2 Logistics Cargo Mo­vers bago naligtasan ang RC Cola-Army Lady Troopers 25-22, 25-14, 21-25, 26-28 15-10 kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan.

Malinis sa pitong laro ang Cargo Movers, dausdos sa 6-1 karta ang Lady Troopers sa pagtatapos ng preliminary round.

Nakauna ng dalawang sets ang F2 pero lumabas ang pagiging beterana ng Army sa pangunguna nina Rachel Ann Daquis at Tina Salak para hablutin ang sets 3 at 4 at makahirit ng fifth set.

Lumamang ang Army sa decider 3-2 sa kill ni Daquis, pero humataw ng tatlong sunod na puntos ang Cargo Movers para makuha ang manibela 3-5.

Matapos ang 8-all umararo ng 6-0 run ang F2 Logistics para itakas ang mahirap na panalo.

Samantala, hinigpitan ng Petron Tri-Activ Spi­kers ang kapit sa No. 3 matapos walisin sa tatlong sets ang Standard Insurance-Navy Corvettes 25-16, 25-18, 25-19 sa pangalawang laro.

Umiskor si Aiza Maizo-Pontillas ng 15 points, nagtala si Maica Morada ng 13 at may tig-nine sina Remy Palma, Bernadeth Pons at Ces Molina para sa Petron (5-2).