F2, Petron unahan sa last finals ticket

psl-all-conference-2016-petron

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center)
2:30 p.m. — Cignal vs. SI-Navy
4:30 p.m. — F2 vs. Petron

Salpukan ang F2 Logistics at Petron para pag-agawan ang huling finals ticke­t ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan mamaya.

Sa unang laro ay banggaan ang Cignal at Standard Insurance-Navy para desisyunan ang sasagupa sa Generika sa battle for 5th-6th ng inter-club tourney na suportado ng Klab Cyscorpions, Mueller, Mikasa at Asics.

Binabanderahan ng reigning UAAP champion La Salle, lamang ang Cargo Movers dahil dalawang beses na nilang dinomina ang Tri-Activ Spikers.

Kapag nanaig ang F2, hahamunin nila sa kampeonato ang Foton na tanging nagregalo ng nag-iisang talo ng Cargo Movers sa double-round eliminations.

Naghihintay na sa best-of-three finals na papalo sa susunod na linggo­ ang Tornadoes matapos sipain sa semifinals ang RC Cola-Army 21-25, 25-19, 25-15, 25-21 noong Huwebes.

“Petron is also a young and dangerous team,” lahad ni Cargo Movers coach Ramil de Jesus. “We have to minimize our errors and improve our defense.”

Si Petron coach George Pascua, sa depensa aasa: “Our defense will carry us through. Our attacks may falter, but we have to make sure that our blocking and floor defense will be sharper.”