F4 ticket aasintahin ng Lady Maroons

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
10:00 a.m. – PMMS vs. Benilde (S Turf)
12:00 noon – UP vs. Ateneo (S Turf)
4:00 p.m. – UP vs. NU (V-League)
6:00 p.m. – UST vs. Ateneo (V-League)

Tatargetin ng University of the Philippines ang isang slot sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference laban sa defending champion National U mamaya.

Sa PhilSports Arena, krusyal din ang pakikihamok ng Ateneo (1-2) sa out nang University of Santo Tomas (0-4) dahil kailangang manalo ng Lady Eagles para paypayan ang paghahabol sa semifinals.

Pagkatapos ng asignatura ngayon, dalawang laro pa ang kakanain ng Lady Maroons at Lady Eagles sa torneo na hatid ng Shakey’s at suportado ng Mikasa at Accel.

Nasa third ang UP sa 2-1, sa likod ng parehong may 3-1 cards na Lady Bulldogs at FEU.

Huling nilaktawan ng Lady Maroons ang Lady Eagles 25-18, 14-25, 25-20, 25-18 nitong weeked, at sinabi ni UP coach Jerry Yee na posibleng hindi na muna sila mag-praktis para makapahinga ang mga alaga.

“We don’t know if we’re still going to have to practice but definitely we’ll have a meeting,” ani Yee.

Miyerkules pa huling naglaro ang NU nang ungusan ang Lady Tams, kaya mahaba-haba ang pinahinga ng pambato ng Lady Bulldogs na sina Jaja Santiago, Aiko Urdas, Risa Sato at Jorelle Singh.

Inaasahan ni Yee na hindi pa nauubusan ng enerhiya ang kanyang panagupang sina Isa Molde, Katherine Bersola, Marian Buitre at Diana Carlos.

Mapapanood ang dalawang matches sa ABS-CBN Sports + Action Channel 23 at via streaming sa www.sports.abs-cbn.com, ayon sa organizing Sports Vision.