Factory worker tinarakan sa footbridge

Tinarakan

Patay ang isang babaeng factory worker makaraang pagsasaksakin ng isang construction worker habang dumadaan sa footbridge sa Sta. Rosa City, Laguna Biyernes ng hatinggabi.

Wala ng buhay ng madatnan ng mga pulis sa ibabaw ng footbridge sa Sta. Rosa-Tagaytay Highway sa Brgy. Don Jose ang biktimang si Sharon Malunes Bachoco, 35, tubong Masbate, machine operator at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.

Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, sinaksak ito ng suspek na si Hondrado Lambong Arsenio, 25.

Galing ang biktima sa kanyang trabaho sa Laguna Techno Park at pauwi na sa kanila ng mangyari ang insidente.

Narinig pa ng mga barangay tanod ang paghingi ng tulong ng biktima kaya rumesponde agad ang mga ito kasunod ang mga pulis. Inabutan sa lugar ang suspek kaya naaresto agad ito.

Ayon sa pulisya, posibleng panghoholdap ang motibo sa pananaksak. (Ronilo Dagos)