May ‘Pteronophobia’ ang taong takot na makiliti sa pamamagitan ng feathers.
***
Alam ba ninyong nagiging kulay pula ang pawis ng Hippopotamus kapag sila ay upset.
***
‘Facebook Addiction Disorder’ (FAD) ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na kinukonsidera na ngayon ng mga Psychologist.
***
May sakit na Cherophobia ang isang taong takot na sumaya.
***
Ayon sa pag-aaral, nakabaliko ang saging dahil sa paghahanap nito sa sinag ng araw.
***
Nagpapahid ng ihi sa ulo ang mga lalaking ‘billy goats’ upang akitin ang mga babaeng kalahi nito.
***
Si King Henry VIII ay natutulog katabi ang isang higanteng palakol.
***
Ayon sa mga siyentipiko, ang heart attack ay karaniwang sumusumpong tuwing Lunes.
***
Naitala noong 2015 na mas maraming tao ang namatay dahil sa ‘selfie’ kumpara sa shark attack.
***
Ang ungol ng Lion ay maaaring maririnig sa layong 5 milya.
***
Spiderling ang tawag sa baby spider.
***
Ayon sa pananaliksik, hindi puwedeng magsabay ang paghilik sa pananaginip.
***
Ang tanong na “Do geese see God?” ay parehas din kapag binasa ng pabaliktad.
***
Kasing laki lang ng isang pulgas ang baby octopus kapag ipinanganak.
***
Ang mga unang pasaherong nakasakay sa hot air balloon ay ang kambing, pato at manok.
***
Maaaring gamiting ground for divorce ng mga babaeng taga-Saudi kapag ‘di sila sinilbihan ng kape ng kanilang mister.
***
Ang titanic ang unang sasakyang pandagat na gumamit ng SOS signal.
***
Ayon sa pagsusuri, tatlong porsiyento ng yelo sa Antartic glaciers ay ihi ng penguin.
***
Alam n’yo ba na ang puso ng hipon ay matatagpuan sa kanyang ulo. Dahil ang dibdib at ulo nito ay natatakpan lamang ng iisang shell. Sa pangkalahatan ang katawan ng hipon ay nahahati lamang sa dalawang parte, ang ulo at buntot nito.