Arogante ang dating kay Senador Panfilo Lacson sa naging asta ni Commissioner Nicanor Faeldon kasabay ng paalala rito na huwag masyadong magpapakampante na patuloy na mananatili ang pagtitiwala sa kanya ng pangulo.
Kaalinsunod na rin ito sa akusasyon ni Faeldon na may mga pulitikong nais impluwensyahan ang Board of Promotions ng ahensya at gustong ilagay ang mga kakilala nilang personalidad upang mapabilis ang kanilang mga transaksyon sa loob ng ahensya dahil marami sa mga ito ang nagmamay-ari ng importation at forwarding companies.
Ayon kay Lacson, tila lumaki ang ulo ni Faeldon nang ipinaabot pa rin ng pangulo ang kanyang kumpiyansa rito.
Aniya, maaga pa para magdiwang si Faeldon at huwag itong magpapakampante dahil hindi pa ito ligtas sa kontrobersiya sa BOC.