Isang libo pang stran­ded OFWs sa Saudi ang uuwi sa Setyembre 9 kasunod ng mahigit 600 na nauna nang nakauwi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tinatayang 11,000 ang kabuuang bilang ng stranded OFWs sa Saudi na nawalan ng trabah­o dahil sa downsizing ng maraming kumpany­a roon.

Ang job cuts ay bunsod ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market, na lubhang nakakaapekto nga­yon sa ekonomiya ng Saudi bilang top oil exporter sa mundo.

Plane fare

Ang magandang bali­ta ay sinagot ng hari ng Saudi Arabia ang plane fare ng mga ire-repatriate­, pati na ang tiket ng 1,000 iba pa na uuwi sa pagtatapos ng Setyembre.

Kasabay nito ay iniutos ng hari ng Saudi ang pag-expedite sa exit documents ng naturang OFWs. ‘Yun namang OFWs na puwede ma-absorb ng ibang kum­panya ay i-absorb.

Just the same, bubusisiin pa rin daw ng Department of Labor ang mga bagong trabaho para sa mga ia-absorb para masiguro na compliant ang mga ito sa umiiral na guidelines ng POEA.

Guidelines

This is as it should dahil hindi naman puwedeng may mapagpasakan na lang na trabaho ay babale-walain na ang guidelines ng POEA na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga OFW.

Isa pang good news mula sa Saudi, ang legal victories daw ng mga OFW na hindi napasweldo. May monetary judgment na raw sa ibang kaso ngunit hindi pa ito idine­talye ng DOLE.

Ang balita natin dito sa Usapang OFW ay mismong ang Saudi government ang nagbibigay ng legal assistance sa mga expat worker na nagkakaproblema sa pagkubra ng kanilang sweldo o se­paration pay.

Clear message

Napakalaking bagay niyan dahil ang malinaw na mensahe ng hari at gobyerno ng Saudi sa Saudi employers ay hindi sila papaboran kahit Saudi nationals sila.

Kumbaga, fair is fair ang dapat umiral. This is a paradigm shift when it comes to Saudi mentality.

Dati-rati ang biruan ng overseas contract wor­kers (OCWs) noong 80s ay kapag OCW ka at nasagasaan ka sa Saudi, automatic na ikaw ang may kasalanan.

Changes

Kasi nga raw ay kung hindi nagpunta ang isang expat worker sa Saudi ay hindi siya masasagasaan ng barumbadong Saudi national.

Well, iba na nga ang panahon ngayon.

Follow Me On Twitter @beeslist. Tumawag rin sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com kung may ipi­nagsisintir.