Faith nagpa-snack sa kabataan

Tumulong si dating Premier Volleyball League (PVL) player at 2019-20 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 rookie Faith Janine Shirley Nisperos sa panahon ng coronavirus pandemic.

Sa kanyang vlog, ipinasilip ng 21-year-old, 5-foot-11 open spiker ng BaliPure Purest Water Defenders at Ateneo de Manila University Lady Eagles ang pagpapa-merienda niya sa mga bata sa kanyang hometown sa Balingasag, Misamis Oriental.

Mahigit sa 60 mga bata ang nakatanggap ng biscuits at cake bar na hatid ng dalagang balibolista.

Hindi pa makapagsimula ang 4th PVL 2020 habang nakansela noong Marso ang UAAP dahil sa pagsambulat ng Covid-19 na buhat sa Wuhan, China.

Marami nang nakopong karangalan sa iba’t ibang torneo si Nisperos sapul pa noong 2011 mapang-eskuwelahan, pangliga, panrehiyon, pam,bansa at international. (Janiel Abby Toralba)