Fajardo, Almazan nagsalo sa ‘POW’

Umaariba ang big men sa PBA Governors Cup.

Nam-bulldozer sa paint sina June Mar Fajardo at Raymond Almazan para ihatid ang kani-kanilang team sa panalo nitong nagdaang linggo (Oktubre 14-20) para itanghal na PBA Press Corps-Cignal Co-Players of the Week.

Pangalawang sunod na linggong naghati sa citation ang dalawang players tapos nina Troy Rosario ng TNT at Jeron Teng ng Alaska.

Nitong nagdaang linggo, kinapos ng isang boto si Rosario kina Fajardo at Almazan.

Nagsumite si 6-foot-10 Fajardo ng 19 points, 13 rebounds at 4 assists para buhatin ang San Miguel Beer sa 113-107 panalo kontra Columbian Dyip.

Siyam ang iniskor ni Fajardo sa fourth quarter nang makipagsabwatan kay import Dez Wells para burahin ang 91-82 deficit sa final 8 minutes ng laro.

Nakaiwas ang Beermen sa three-game sweep ng Dyip ngayong season.

Naglista si Almazan ng 19 points at 10 rebounds nang kuryentehin ng Bolts ang Blackwater 106-97. Pangalawang pagkakataon ngayong season-ending conference na nasungkit ng dating NCAA MVP mula Letran ang award.

Kandidato rin sa weekly honors sina Japeth Aguilar, Stanley Pringle at Scottie Thompson ng Ginebra, Kiefer Ravena at JR Quinahan ng NLEX, at sina Mac Belo at Mike Digregorio (bago nai-trade sa TNT) ng Blackwater. (VE)