Fajardo bida sa Gilas kontra Alab Pilipinas

Nasa Meralco Gym si Kiefer Ravena Lunes nang gabi, nasa bench ng Gilas Pilipinas sa tune-up game kontra San Miguel Alab Pilipinas.

Naka-street clothes ang sophomore guard ng NLEX, nakinood lang.

Lumutang ang ­pangalan ng dating Ateneo star na posibleng ipalit sa nabakanteng puwesto ni Jayson Castro. Injured ang premier guard at nalaglag na sa 15-man pool ng National team na pagkukunan ni coach Tim Cone ng final lineup para sa 2019 SEA Games na iho-host ng bansa sa Disyembre.

Pero nilinaw ni ­Ravena “nothing final” pa sa ­kanyang pagkakadagdag.

Wala pang desisyon ang Phisgoc kung pagbibigyan ang request na palitan sa pool si Castro.

Sa unang tune-up game, nakaligtas ang Gilas 98-95 sa likod ng 21 points ni June Mar Fajardo.

Kinamada ni ­Fajardo ang 12 points niya sa fourth quarter na sumalag sa fightback ng Alab. (VE)