Fajardo, Blatche sabak kontra mga NBA player

Fajardo, Blatche sabak kontra mga NBA player

May ilang NBA players ang posibleng makasagupa ng Pilipinas sa first round ng FIBA World Cup 2019.

Kasama ng Pilipinas na posibleng ibandera sina June Mar Fajardo at Andray Blatche sa Group D ang Angola, Italy at Serbia, ang huling dalawa ay may mga player na matikas na naglalaro sa big league.

Ang basketball superpo­wer Serbia lang na world No. 4, may Nikola Jokic, Boban Marjanovic, Bogdan Bogdanovic at si Nemanja Bjelica.

Posibleng bitbitin ng Serbia ang apat para isabak sa torneo sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Si 7-footer Jokic ay nag­lalaro sa Denver Nuggets, si 7-3 Marjanovic ay center ng Philadelphia 76ers. Magkakampi sina 6’6” sharp shooting guard Bogdanovic at 6-10 forward Bjelica sa Sacramento Kings.

Ipinagmamalaki ng world No. 13 Italy sina NBA stars Danilo Galinari ng Los Angeles Clippers at si Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.

World No. 39 ang Angola, pero ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ay isa sila sa pinakamatitinding teams sa Africa. Mas mataas ang ­ranking ng Pilipinas sa No. 31.

Makikipag-meeting si Panlilio kay PBA commissioner Willie Marcial para rebisahin ang season calendar, at magawan ng paraan na maisingit ang training schedule ng Team Pilipinas.

“What we need right now is to look at the PBA calendar and come up with the best training schedule for Gilas Pili­pinas,” ani Panlilio, kasama ng Philippine delegation na sumaksi sa draw Sabado ng gabi sa Shenzhen Bay Arena sa China.