Fajardo iniligtas ang SMB vs TNT

SABLAY ang buzzer-beater game-winning three sana ni Roger Pogoy at nakaligtas ang San Miguel Beermen 80-78 sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinals matchup sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Lamang ng dalawa ang SMB, 80-78, sa huling 2.2 segundo, tumira ng hail mary three si Pogoy kasabay ng pagtunog ng buzzer subalit hindi man lamang ito humalik sa ring.

Isinalba ng endgame heroics ni five-time reigning MVP June Mar Fajardo ang San Miguel sa ikinamadang 15 points, 10 boards at apat na supalpal, habang umayuda ng 15 markers, dalawang feeds sa likod ng 3 of 6 shooting sa three-point area si Terrence Romeo, na unang laban sa dati niyang koponan bago nalipat sa San Miguel.

Matapos itabla ang laban 10-all sa 4:50 ng unang yugto ay umarangkada ang KaTropa sa paghulog ng 12 puntos habang nilimitahan nito ang nagtatanggol na kampeong Beermen sa tatlong puntos lamang. (Lito Oredo)