Fajardo nakatagpo na rin ng katapat

Fajardo nakatagpo na rin ng katapat

Nasanay na si June Mar Fajardo na kapag nakikipag-usap ay nakayuko dahil lahat halos ng nakakakuwentuhan niya ay nakatingala sa kanyang 6-foot-10 frame.

Maliban siguro kapag si 7-footer Greg Slaughter ng Ginebra ang nakakatapat at nakakagitgitan niya sa court.

Linggo ng gabi, pagkatapos ng 114-96 win ng San Miguel sa Alaska ay nakatagpo ng katapat ang The Kraken.

Paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum, nabungaran agad ni June Mar ang isa pang higanteng tulad niya – si Raul Dillo.

Sa bihirang pagkakataon, napatingala si June Mar habang kausap si Dillo.
“Ang laki ng kamay nito,” nakatawang pahayag ni June Mar nang magsukatan sila ni Dillo.
Maya-maya ay nag-usap sa kanilang dayalekto sa Visayas. Mula Cebu si Fajardo, tubong Masbate naman si Dillo.

“7-3 ako,” kumpirmasyon ni Dillo nang tanungin ang height.

Pareho sila ng size ng paa ni June Mar – size 19!
Naalala pa ni Dillo, ang sports columnist na si Malou Aquino aniya ang unang nagbigay sa kanya ng pinasadyang sandals na sakto sa kanyang paa.
Big fan daw ni June Mar si Dillo. (Vladi Eduarte)