Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — NorthPort
vs. TNT
6:45pm — SMB
vs. Alaska
Ganado si coach Alex Compton habang hinihimay ang 92-77 win ng Alaska Aces sa Meralco Bolts sa postgame interview Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Naputol ang momentum niya nang may magbanggit na San Miguel Beer ang sunod na haharapin ng Aces. Sa second game ‘yun mamaya sa Big Dome din, pagkatapos ng rambulan ng 2-6 NorthPort at 7-3 TNT KaTropa.
“I was having a good day, you wanna ruin my good day so you tell me about the most dominant team in the league that we’re playing,” napahimas sa pawisan pang buhok na pakli ng coach.
May halong biro, pero kailangang paghandaan ang Beermen na inaasahang babalikwas pagkatapos ng 96-93 loss sa Phoenix noong Sabado sa Panabo City.
“I’ll go home and kiss my wife and start preparing for San Miguel,” dugtong ni Compton. “I don’t think there’s any other word for them, but they’re great. And that’s the team that you can play against and not win.”
Last game sa eliminations ng 6-4 Beermen, nasa fifth place at nakasiguro na ng slot sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup pero siguradong maghahanap ng panalo ang four-time defending champions.
Hahanap ng paraan si Compton para tapatan ang SMB, may June Mar Fajardo na ay may Kelly Nabong pa sa gitna. (Vladi Eduarte)