Fajardo, Santos harang kina Heruela, KaTropa

Fajardo, Santos harang kina Heruela, KaTropa

Finals Game 1 ngayon:
(Smart Araneta
Coliseum)
6:30pm — TNT vs. SMB

Kasado na ang rambulan ng TNT KaTropa at San Miguel Beer sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Taong 2017 nang huling magtagpo sa championship ng midseason conference ang magkatunggali, inari ng Beermen ang titulo sa anim na laro.

Nasa 42nd finals appearance na ang SMB, natitirang team na pioneer sa liga.
Habol nina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Chris Ross, Arwin Santos, Terrence Romeo, Chris McCullough ang 26th title overall ng SMB.

May pitong titulo naman ang prangkisa ng TNT sapul nang sumali sa PBA noong 1990.

Si Brian Heruela, haharapin ang dati niyang team. Gayundin si Terrence Romeo.

Pinamigay ng TNT si Romeo sa SMB noong Disyembre, isa si Heruela sa mga kapalit.

Balik sa finals si Heruela, pero hindi na bilang miyembro ng Beermen. Sasagupain niya pa ang dating team at ang kaibigan mula college days sa University of Cebu na si Fajardo.

Naka-apat na korona si Heruela sa San Miguel.

“I think it’s going to be a lot of fun,” ani Heruela matapos sipain ng KaTropa ang Ginebra sa semifinals, 3-1. “They are a strong team and we are up for the challenge.” (Vladi Eduarte)