Fajardo, Slaughter, Blatche, Aguilar mga tore ng Team ‘Pinas pamoste!

Ibang klaseng Team Pilipinas ang hahawakan ni coach Yeng Guiao, ngayon lang magkakaroon ng pool ang national team na may mga higanteng pantapat sa mga kalaban.

Dalawa ang nakalinyang home games ng Pilipinas sa susunod na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers – kontra Kazakhstan sa Nov. 30 at laban sa Iran sa Dec. 3 parehong sa MOA Arena.

Excited ang coach na mapagsama sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, isasahog niya ang dalawa sa walang dudang pinakadominanteng bigs sa PBA sa kasalukuyan kay Andray Blatche.

Kontra Iranians na makakalaro si 6-foot-11 Blatche, matatapos na ang ipinataw ng FIBA na three-game suspension sa kanila nina Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario.

“For the first time in a long while, you will have June Mar, Greg and Japeth (Aguilar) playing together in a team with Blatche,” wika ni Guiao. “Definitely, laki talaga yung lineup natin.”

Injured pareho sina Fajardo (fractured shin) at Slaughter (ankle) sa huling sabak ng Pilipinas sa ilalim ni Guiao sa FIBAWC window – sa 81-73 loss sa Iran sa Tehran at sa 92-81 win kontra Qatar sa closed-door match sa Smart Araneta Coliseum.

“Hindi naman tayo babagal. Nakakatakbo rin naman sila June Mar,” paniniguro ni Guiao sa pa­ngambang isasakripisyo ng team ang bilis kapag nasa loob ang dalawa.

Ikinokonsidera din ni Guiao na isagupa kontra Kazakhs sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle, ang dalawang naturalized players ng Pilipinas sa last window.

Sa Martes ay ilalatag ni Guiao sa PBA Board ang 20-man pool niya, kasama na ang schedule ng training.

Sasamahan ni Meralco governor at Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio si Guiao sa special board meeting.

Bubuo sa pool sina Paul Lee, Gabe Norwood, Alex Cabagnot, Poy Erram, Marcio Lassiter, Scottie Thompson, Raymond Almazan, Ian Sangalang, Allein Maliksi, Beau Belga, Matthew Wright, Kai Sotto at Asi Taulava.