Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on bank and financial intermediaries sa umano’y fake account sa Metrobank dahil mas matindi ito kesa fake news.
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng nasabing komite, nakakaalarma ang natuklasang fake accounts sa nasabing bangko kung saan mismong ang kanilang executive ang sangkot.
“The discovery of the ‘fake accounts’ in Metrobank is very alarming. The adverse effects of the existing of ‘fake bank accounts’ is more damaging than ‘fake news’ because this causes actual money of depositors,” ni Evardone.
Base sa mga ulat, inaresto na ang executive ng Metrobank na sangkot sa nasabing fake accounts subalit nais ni Evardone na kalkalakin nang husto ang nasabing kontrobersya sa nasabing bangko.
Bukod sa mga opisyales ng Metrobank, na pangalawang pinakamalaking bangko sa Pilipinas, ipapatawag din ng komite ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyang regulatory body ng lahat ng bangko sa bansa.
mga bugok…. puro kayo comment alamin nyo muna ang punto
tiyak scripted n nmn yan, sa klase ay ililigaw na naman ang taong bayan
Pinauso kasi ni Aguirre ang “FAKE” kaya naglipana na ang mga “FAKE” ngayun sa gobyerno ni hinDUTERTE hehehehe
Baka yan na ang mga sinasabi ni AguiWIG na mga accounts ni Delima.
ky duterte yan kasi ang account nya sa BPI pinalipat nya sa metro bank.