Nakatakdang pangunahan ng Presidential Communications Office ang isang closed door meeting ng 10-ASEAN member countries para talakayin ang lumalalang problema sa fake news sa rehiyon.
Sinabi ni PCO Secretary Martin Andanar na dadating sa bansa ang kanyang mga counterpart ministers sa ASEAN para talakayin kung paanong maka-counter at masosolusyon ang mga pekeng balita.
Ayon kay Andanar, inaasahang makakabuo ng polisiya ang mga information ministers lalo na at matatalakay sa pulong ang iba’t ibang sitwasyon sa pagtugon sa pekeng balita.
Nili naw naman ni Andanar na dahil closed door meeting, kailangan niya munang makuha ang approval ng mga ministers kung puwede itong ilahad sa publiko.