Iimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang nag-viral sa social media na pagkalat ng pekeng bigas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, inatasan na nito ang mga opisyal ng DA na alamin kung totoo ang kumakalat sa Facebook na video ng ‘fake rice’ mula sa Thailand.

Sinabi ni Piñol na sa ngayon wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo, pero uunahan na umano nila ang validation kung totoo talaga ang ibinunyag ng isang netizen sa social media.

Umapela rin ang kalihim sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila o kaya sa National Food Authority (NFA) kung may personal na nalalaman hinggil sa sinasabing pekeng bigas.

Una nang sinabi ng NFA na hanggang ngayon, wala pa silang naitatalang kumpirmadong kaso ng fake rice sa bansa.

Tiniyak din ng NFA na patuloy ang kanilang pagsusuri sa mga bigas upang makumpirma ang ulat.

Samantala, hihilingin ng DA kay Pangulong Rodrigo Duterte na suriin ang lahat ng pumapasok na bigas sa loob ng bansa mula sa Vietnam at Thailand.

One Response

  1. FAKE NEWS,,FAKE RICE,,,talaga itong GOBYERNO NI SAYAD,,,,WALANG GINAWA KUNDI MAGHASIK NG KABALIWAN,,,IPAKAIN YAN FAKE RICE KAY MOKHANG-UTONG ,,MARTIN PA-ANDANAR,,,AGUIWIGRE AT MGA DEDEs,,,total mahilg naman kayo sa PEKE…hahahaha