Falcis trinaydor ng blogger kay Kris

Ni: Ronaline Avecilla

Sinisisi ng kapatid ni Nicko Falcis na si Jesus ang founder ng Pinoy Ako Blog na si Jover Laurio sa pagtataksil umano sa kanya. Bunga nito ay ang mas tuminding away sa pagitan ng mga Falcis at ni Kris Aquino.

Ikinuwento lahat ni Jesus ang nangyari sa kanila ni Jover sa kanyang Facebook account. Ito raw umano ang magsisilbi niyang wedding gift para sa kasal ni Jover bukas.

Aniya, “Tomorrow, January 19, 2019 is your wedding day. Before you betrayed me and when I thought we were friends, you invi­ted me to your wedding. Obviously, I am not invited anymore and obviously I wouldn’t want to attend anyway. But I still want to give you a wedding gift. You don’t have to ­accept it.”

“I forgive you. I forgive you for betraying my trust,” aniya kay Laurio na nagkalat umano ng conversation nilang dalawa tungkol kay Kris.

Nagbilin pa siya na manatili na lamang pribado sa kanila ang conversation dahil tatalakayin nila ito sa oras na magkita. Subalit hindi nakapagpigil si Laurio at ibina­hagi umano kay Kris ang kanilang naging pag-uusap.

Hindi umano niya akalain na manghihimasok si Laurio at mas pinili si Kris matapos lahat ng pinagsamahan nila.

Dagdag pa niya, “I thought all the time we spent together fighting for human rights and the rule of law meant something. I thought rallying side by side made our friendship more than a mere alliance of convenience.”

Iginiit niya na hindi naman niya nais na kampihan siya o sirain si Kris. Ang tangi niyang nais ay ang pumagitna ito sa sitwasyon.

“You can’t choose Kris automatically,” paliwanag niya.

“Yes, you played a major role in this drama that was forced upon us by Kris ­Aquino. And what did you get for it after? She dropped you like a hot potato,” paliwanag pa niya.

Napagtanto rin ­umano niya na biktima rin si Laurio.

“Partly a victim, partly a victimizer,” saad niya.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Laurio sa isyu.