FAMAS trophy ni Nadine nahulaan ni James

Ni Vinia Vivar

Words can’t explain kung gaano ka-proud at kasaya si Nadine Lustre sa kanyang first Best Actress trophy na iginawad ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa kanyang pagganap bilang Joanne sa pelikulang “Never Not Love You.”

Kuwento niya sa pocket presscon na ipinatawag ng kanyang management (Viva Artists Agency) last Friday, sa sala raw nakalagay ang tropeo para kita agad.

She even brought the trophy at the presscon to further show kung gaano siya ka-proud.

“Kasi, this is the very first time na nanalo po ako ng ganito kalaking award from the FAMAS, so it feels unreal. Parang hindi po siya totoo until now. Kasi medyo fresh pa po siya, eh,” simula ni Nadine.

She emphasized na masaya na siya sa acting different roles at makapagbigay-buhay sa isang karakter, pero to win an award is another thing.

“Sobrang laking bonus po nito para sa akin na parang mas lalong na-inspire pa ako na parang ‘oh my God, at least now, may recognition and may nakapansin na po sa aking pag-arte.’ That’s the first time nga po kasi, so iba talaga ‘yung pakiramdam.”

During the acceptance speech ay naging emosyunal nga si Nadine habang ikinukuwento ang mga struggles niya bago tanggapin ang NNLY.

At the presscon, she explained na wala raw siyang inihandang speech that time dahil hindi naman niya ine-expect na mananalo siya.

“Ano pa naman po ako, may stage freight ako, ayoko po nu’ng nagsasalita sa lahat ng maraming tao. So, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So, I guess, ang ginawa ko na lang po is, shinare ko na lang po ‘yung experience ko before shooting the film kasi po, malaking challenge po sa akin ‘yung ‘Never Not Love You,’ kasi nga po, fresh na fresh pa ‘yung sa kapatid ko at that time,” aniya.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang pagyao ng kanyang younger brother noong 2017.

“Kinabahan po ako na baka hindi ko siya magawa nang tama. And ‘yun nga po, palagi kong sinasabi kay direk (Antoinette Jadaone) na ‘direk, parang feeling ko, hindi ko pa kaya.’

“So I’m really happy na even at my lowest point, naitawid ko po siya.”
Of course, proud din ang boyfriend niyang si James Reid sa pagkakapanalo niya pero kahit naman daw before the awards night ay sinabi na rin sa kanya nito na positibo itong siya ang mananalo.

“May event po kasi siya nu’n, may gig siya, and then, sinabi ko po sa kanya na a-attend ako ng FAMAS. And then, sinabi niya na ‘you’re gonna win that.’ Sinabi na po niya ‘yun sa akin. So, pag-uwi ko, sabi niya, ‘I told you, you’re gonna win.’ So, I’m really happy kasi, sa lahat ng pinagdaanan namin, siya ‘yung number one na supportive sa akin and siya po talaga ‘yung nagpu-push sa akin,” sey ni Nadine.

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ng aktres ang boyfriend at isa sa inala­yan ng kanyang award.

Willing mag-audition sa ‘Darna’

Dahil nga sinasabi ni Nadine na action naman ang gusto niyang gawin ngayon, ang pelikulang “Darna” agad ang papasok sa isip mo dahil nga maingay ang pangalan niya na isa sa kandidato.

Ayon kay Nadine, malaking karangalan daw sa kanya na mapasama sa people’s choice na maging­ Darna at maging si Erik Matti nga ay siya ang preferred na pumalit kay Liza Soberano.

“Pero like what I’ve said before sa mga interview ko before, I’m not expecting anything and I’m the kind of person who’s not assuming and alam ko naman po, ibibigay nila ‘yung role sa taong deserving.”

Willing ba siyang mag-audition?

“Pag sinabihan po ako, gagawin ko, very open naman ako to everything. Pero kung wala naman pong sinabi sa akin ang management, okay lang. But if they ask me, I wanna do it kasi sino naman po ang ayaw mag-Darna ‘di ba?”
Physically, hindi rin daw niya alam kung ready siya to portray the said iconic role dahil alam daw niyang napakatindi ng naging training ni Liza.

“Mahirap po talaga ang training, hindi po madali. So, kung ibigay po sa akin ‘yun, matinding training po ang pagdadaanan ko.”

Sa ngayon, ang naka-set na next project ni Nadine after “Ulan” ay ang dance musical movie nila ni Sam Concepcion, ang “Indak.”

Kathryn,Liza kinabog

Natanong si Nadine kung ano ang reaksyon niya na dahil nga may FAMAS Best Actress trophy na siya ay nasapawan na niya sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano na sinasabing mga karibal niya sa industriya.

“I don’t look at it like that. Sa akin po, parang lahat kami, mayroong iba’t ibang strength. So, maybe this year, sa akin, next year, sa kanila.
“Hindi po ako ang klase ng tao na tumitingin sa success ng iba. I’m just really happy with what I have and I’m really thankful for it always,” sagot ni Nadine.

Birong tanong kay Nadine ay kung magpapataas na ba siya ng presyo ngayong best actress na siya. “Depende po ‘yan kay Boss Vic. Wala po sa akin ‘yang desisyon na ‘yan.”

Robin, JM type makatrabaho

Dahil inevitable naman talaga ang paghihiwalay ng love team nila ni James and in fact, nagsisimula na nga ito dahil sa ngayon ay may kanya-kanya silang projects separately, natanong din kay Nadine kung sino-sino pa ang gusto niyang makatrabaho in the future.

“Si ate Angel (Locsin), gusto ko po talaga, kasi action naman po ang gusto ko ngayon, para maiba naman,” aniya.

Since uso ngayon ang switching sa mga love team na sinimulan na nga nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, and Gerald Anderson at Julia Barretto, she was also asked kung sino naman ang gusto niyang maging leading man aside from James, of course.

Saglit na nag-isip si Nadine at si Robin Padilla ang kanyang unang naisip since action pa nga rin daw kasi ang nasa isip niya.

Parang gusto rin daw niyang makatrabaho si JM de Guzman dahil dalang-dala raw siya nang mapanood niya ang “That Thing Called Tadhana” na pinagbidahan ng aktor at ni Angelica Panganiban.