Familiar faces absent sa US Open

Maraming pamilyar na mukha ang absent sa US Open na papalo na nga­yon sa Flushing Meadows sa New York.

Si defending champion Stan Wawrinka ay out dahil sa injury, gayundin ang tinalo niya noong 2016 final na si Novak Djokovic. Wala rin ang No. 2-ranked player sa ATP na si Andy Murray at sina Kei Nishikori (No. 10) at Milos Raonic (No. 11).

Bakasyon na sa tour si Serena Williams na pahi­nga muna sa bahay habang buntis. Hindi rin makakapalo si Victoria Azarenka dahil may inaasikasong custody dispute hinggil sa anak. Injured si past champion Samantha Stosur, binubuno ni Sara Errani ang doping ban niya.

Balik si Maria Sharapova, pero may ilang nagsasabing wala siya dapat sa US Open via wild-card invitation. Nawala raw siya sa ranking at sa top 100 hindi dahil sa injury, kung ‘di bunga ng 15-month suspension dahil sa doping.

“You’ve got to work for it, you know, a little bit to go and play your tournaments and not (get) help that much sometimes,” opinyon ni Wimbledon champion Garbine Muguruza, ayon sa ulat ng The Associated Press. “You’ve got to work hard and deserve it again. I think that’s the way.”

Sa Day 1, makakaliskisan agad si Sharapova, aabangan kung may ibubuga pa siya o mag-iimpake nang maaga dahil katapat niya ang isa sa best players ng 128-player women’s bracket, si no. 2-seeded Simona Halep sa Arthur Ashe Stadium.