OAKLAND, California (AP) — Uuwi si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers na muli ay nasa familiar spot pagkatapos ng first two games ng NBA Finals.
Pero sa halip na humugot sa senaryo ng championship comeback noong nakaraang taon, naka-focus si James kung paano aatakehin ng Cleveland ang Golden State team na mas sariwa at mas mabangis ngayong taon sa pagdating ni Kevin Durant.
“They’re a different team,” wika ni James pagkatapos ng 132-113 loss sa Game 2 Linggo ng gabi na naglagay sa Cavs sa 0-2 hole.
May 71 points na si Durant sa first two games, mas marami ng anim sa natipon sa pitong laro noong isang taon ng pinalitan niya sa lineup na si Harrison Barnes.
Nabawasan ang pressure kay Stephen Curry dahil sa pagdating ni Durant, nagawang salagin ng Warriors ang Cleveland runs.
Sinundan ni Curry ang 28-point Game 1 ng una niyang postseason triple-double nitong Linggo sa 32 points, 11 assists, 10 rebounds. Nagising na rin si Klay Thompson, umiskor ng 22 sa likod ng apat na 3-pointers at kumalas ang Warriors sa dulo para sa isa pang lopsided win.
Balik na rin sa kanyang puwesto sa sidelines si Warriors head coach Steve Kerr matapos ang mahigit anim na linggong pagkawala dahil sa iniindang likod.
May 29 points, 11 rebounds at 14 assists si James para pantayan ang eight career Finals triple-double ni Magic Johnson. Tumapos si Kyrie Irving ng 19 points, umayuda ng 27 si Kevin Love.
Noong isang taon, lubog din sa 0-2 ang Cavs pagbalik sa sariling teritoryo, na-split nila ng Warriors ang two games sa Cleveland bago tinuhog ang sumunod na tatlong laro para agawin ang titulo.