Family Tree Planting bill umabante sa Kongreso

Family Tree Plan­ting bill umabante sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang isang panukala na mag-oo­bliga sa bawat magulang na magtanim ng dalawang puno para sa kada sanggol na isisilang.

Nakapaloob ito sa House Bill 8727 o ‘Family Tree Plantin­g Act’ na iniakda ni Baguio City Rep. Mark Go.

Ang mga puno ay itatanim sa bisinidad ng tirahan o sa lugar na itatalaga ng barangay council na aprubado rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nakasaad din sa panukala na para matiyak na susunod ang lahat, ibibigay lamang ng City o Municipal Local Civil Registry ang Certificate of Live Birth ng bata kapag nakapagtanim na ng puno ang mga magulang nito.

Ang nasabing panukala ay ini-sponsor ni Tarlac Rep. Noel Villanueva, chairman ng House Committee on Reforestation.