May isang poot na poot na fan kay Regine Velasquez-Alcasid. Ito ang kanyang hanash sa IG na in all caps pa man din, huh: “I WATCHED YOUR PROD WITH THE DIVAS. YOU SANG ON THE WINGS OF LOVE AND DID NOT HIT THE RIGHT THE RIGHT NOTE. FOR THOUSAND OF FILIPINOS WHO PAID THEIR TICKETS FROM THEIR HARD EARNED MONEY YET YOU GAVE THEM THAT PERFORMANCE! NAKAKAHIYA KA! FINALE KA PA? DI MO NAMAN MAABOT!!! Pweeh! Wag ka na lang kumanta.” May kasama pang tatlong burning fire emoticons ang post. Hindi masyadong halatang disappointed ang hater, huh! Sa sinulat niyang post, parang literal na sinisigawan niya ang Asia’s Song Bird.
Ang paliwanag at pagtatanggol ni Mrs. Alcasid sa kanyang sarili: “Wow… natawa Lang ako. I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta pinapahirap ko… so pag hindi ko binirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations… Alam mo iba iba ang bawat pagkanta minsan depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mangaawit ang kalalabasan ng kanyang performance. Pero tama ka NO excuses pinaghirapan nyo ang perang ipinambayad nyo para manood so you guys deserve only the best.
“At alam naming lahat yan kaya naman kahit may may sakit walang boses naki pag break sa jowa namatayan ng pet at kung ano ano paman, we always give it our best 101 percent. But unfortunately we still managed to disappoint some of you. Sa maniwala kayo o hindi bago nyo pa na decide na disappointed kayo…. super disappointed na kami sa mga sarili namin. To the point of blaming our selves for getting sick or not practicing enough or not being able to sleep working so hard or not eating enough or in my case eating too much… And the emotional battle we all have inside…. why didn’t I do this sana ginalingan ko pa sana nag practice pa ko….
“But again no excuses. We all do what we do because we all love to entertain all of you. Natutuwa kami na sa maikling panahon na pagsasama natin napatawa napaindak napasayaw napaiyak napa inlove namin kayo, na sa maikling panahon nakalimutan nating lahat na may kanya kanya tayong pinagdadaanan. But thank you for letting me know that I was so bad I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time laging may next time to redeem my self. Yan naman ang maganda sa life laging may next time… GOD Bless.”
Nawa’y sa paliwanag na ito ni Ate Regine, eh nahimasmasan na ang kanyang hater.
Bea reresbak sa ‘pautot’ ni Gerald
May panayam si Gerald Anderson sa isang ABS-CBN entertainment reporter kung saan may carefully worded statements ito tungkol sa pagtatapos ng kanilang halos tatlong taong relasyon.
Bagama’t hindi emotionally satisfying ang kanyang sagot tungkol sa kaganapan, sabi ko nga sa dating kong mga pitak, no judgment kay Gerald lalo na nga’t inilabas na niya ang kanyang version of truth. Ang mahalaga, he manned up and told his side. Nasa atin na iyon kung tatanggapin natin hook, line and sinker ang kanyang mga ipinahayag.
Ang tanong ngayon, may opisyal na reaksyon kaya si Bea Alonzo na one big fight at relationship issues nga ang mga dahilan kaya tapos na may tandang pandamdam ang kanilang pinagsamahan? Reresbak kaya siya? (Nag-like si Bea sa isang IG post ng fan na “Kung magsisinungaling ka, galing-galingan mo – Popoy” — ED)
O mas pipiliin na lang niyang tumahimik at huwag nang patulan pa ang mga sinabi ni Gerald para na rin sa kanyang sariling katiwasayan?
Ngayong kwentas klaras na hindi third party ang dahilan sa paghihiwalay, ang mga Team Bea, mapapatawad na ba si Julia Barretto lalo na nga’t wala naman pala itong kasalanan?
Eh si Joshua Garcia kaya, masaya sa development na ito? Ano rin kaya ang masasabi niya sa pahayag ni Barretto na siya ang mas may gustong mag-isang maghapunan sa after party?
Ang dami pa ring tanong, may mga sagot pa kaya tayong makukuha?