Fans day ni Maine, grabe ang raffle

Maine Mendoza

MAAGA kami kahapon sa pa-presson ni Manay Lolit Solis para sa The Game Changer Philip­pines show sa ANC cable channel ng mag-amang Cong. Albee at Javi Benitez.

maine-mendoza
             MAINE MENDOZA

Kung anu-ano ang napagkuwentuhan namin ni Manay Lolit hanggang napagtsikahan namin si Maine Mendoza.

Naikuwento namin kay Manay Lolit ang tungkol sa bonggang pa-party ni Maine para sa kanyang fans noong Huwebes sa Quezon City.

Ang Solid Maine United na mother umbrella ng lahat ng fans club ni Maine ang namahala sa event na ‘yon.

Invited ang lahat ng members ng iba’t ibang fans club ng phenomenal star ng Eat Bulaga, and take note, WALANG IBINAYAD sa event na ‘yon ang fans, ‘noh?!

Hindi malinaw kung sino ang gumastos, pero malayo raw ‘yon sa mga pa-event ng ibang fans ni Alden Richards na ang mahal-mahal ng singil sa fans, huh!

Kuwento ng kaibigan naming si Joybelle Cinco na nasa event na ‘yon, sobrang daming fans ang dumating.

Bago ang dinner, may mass kung saan ay nandoon si Maine at ang kanyang pamilya.

“Kaya pala nakita ko sa salon ni Bambbi (Fuentes) ang nanay at kapatid ni Maine na nagpapaayos. Bihis na bihis sila, may event pala si Maine para sa fans,” singit ni Manay Lolit.

Hindi lang si Maine at ang kanyang pamilya ang bihis na bihis para sa event na ‘yon dahil nag-effort ang fans ng dalaga na magbihis din at parang awards night ang dinaluhan, huh!

Sa tuwa ni Maine, nagbigay ng special award para sa best dressed fans!

Unlimited foods and drinks daw ang pa-event na ‘yon ni Maine sa kanyang fans at grabe raw ang raffle prizes.

Pagkarami-rami ng ipina-raffle. Nag-iikot si Maine at nagpapa-picture kasama ang fans habang ongoing ang raffle.

Tuwang-tuwa ang fans na regular na nakakasa­lamuha ni Maine dahil kilalang-kilala na sila ng dalaga at very thankful sa suporta nila sa kanyang career.

Madaling-araw na raw ay kasama pa ni Maine ang kanyang fans. Nakisayaw at nakikanta pa siya sa mga ito.

Sa sobrang saya ni Maine kasama ang kanyang loyal supporters, more than 10 songs daw ang binanatan ng dalaga.

***

Speaking of The Game Changer Philippines na napapanood sa ANC tuwing Sabado nang 9:30 PM at may reply ng Linggo ng 9:30 AM, sila pala ang number one weekly show sa cable channel ng ABS-CBN.

Albee at Javi Benitez
         Albee at Javi Benitez

Wala raw balak ang mag-ama na kumuha ng co-host na celebrity kahit pareho silang nali-link sa mga taga-showbiz.

Si Cong. Albee ay nakapag-co-produce na ng pelikula noon sa Viva Films, isang horror movie.

Kahit hindi siya kumita ay nagbabalak pa rin siya na makipagsosyo kay Dondon Monteverde para sa isang proyekto.

Na-reveal din sa presscon ng The Game Changer Philippines show na makikipag-meeting siya ngayong araw na ito kay Albert Martinez para sa isang proyekto na malamang na pagsamahan ng aktor at nina Gabby Concepcion, William Martinez, Richard Gomez at iba pang mga aktor na mala-Ocean Eleven ni George Clooney ang dating.

Tungkol sa kanyang anak na si Javi na nali-link ngayon kay Jazz Ocampo ng GMA 7, walang problema sa kongresista kung pasukin man nito ang showbiz dahil nasabi ng binata na gusto nitong lumabas sa pelikula at mag-action star.

Kahit ano ang gustuhin ni Javi ay susuportahan ito ni Cong. Albee, pero kailangan munang tapusin ng anak ang pag-aaral.

Naibuking ni Cong. Albee na hindi pa niya nakikilala si Jazz, pero may isang parang Asian super model daw na nadala na ni Javi sa lugar nila sa Negros at naipakilala sa kanya.

Ayon naman sa binata, kaibigan lang niya ang modelong ‘yon.

May dating itong si Javi, kaya hindi nakakapagtaka kung pasukin din niya ang mundo ng pag-aartista.