IKINATUWA ng LizQuen fans ang balitang si Enrique Gil ang magiging kapareha ni Liza Soberano sa Darna movie ng Star Cinema at Reality Entertainment.
Medyo nag-worry ang fans ng dalawa sa tsikang bibigyan ng ibang leading man si Liza sa pelikulang ididirek ni Erik Matti.
Nakahinga nang maluwag ang LizQuen fans sa bagong update na si Enrique pa rin ang makakatambal ng Millennial Darna.
Ang reaksyon nila, tama lang na si Quen pa rin ang kapareha ni Liza dahil sila ang bagay at sabay silang lilipad sa nasabing project na magiging big boost pareho sa kanilang career.
Okey lang din sa fans kung hindi man ganu’n kalaki ang role dito ni Quen at mas mahaba pa ang exposure ng kontrabidang si Valentina.
Alam nilang kay Darna naka-focus ang kuwento at sa maaksyong pakikipagsapalaran nito.
Kahit suporta lang ang Kapamilya heartthrob ay ito pa rin daw ang perfect partner para kay Liza at wala nang iba pa.
Wish din nila na sana ay si Enrique ang gumanap bilang Captain Barbell.
Natuwa man ang LizQuen fandom, may ibang Liza supporters na ikinadismaya ang lumabas na balita.

Para sa kanila ay ito na sana ang tamang pagkakataon para mag-solo si Liza at mailayo sa anino ni Enrique.
“Sayang naman. This is Liza’s big break and an opportunity for her to try other leading men aside from Enrique.
“What’s new then?” comment ng isang netizen.
Exciting kung susubukang bigyan ng bagong kapareha si Liza para maiba.
Pero kung ‘yun ang desisyon ng mga kinauukulan ay baka hindi pa sila handang paghiwalayin ang LizQuen.
Samantala, medyo palaban ang dating ng 19-anyos na Kapamilya star sa sinabi niyang handa siyang suotin kahit pa skimpy ang superhero costume ni Darna.
Okey lang sa kanya kahit pa sexy ito na two-piece outfit, basta aprubado ng kanyang management
Dayalog ni Liza, she can wear anything as long as she’s prepared for it. Basta nakapaghanda siya at huwag lang siyang bibiglain.
Sey ng gandarang dalaga, MATURING na siya because almost 20 years old na siya.
“So, it’s about time,” sambit pa ni Liza.
Eric Matti… naku poh huwag siya ang magin director at it will lessen the viewers of the movie… yan ang director na grabeng minura ang mga bumoto sa ating President… such a disgrace to the movie industry,,,
At bakit naman???..tama naman si direk…
It is already confirmed that Enrique Gil will be in the Darna movie. But not Liza or Darna’s love interest. Instead, Enrique chose the play the role of Valentina. It was his childhood dream – close to obsession – to play the role of Darna either on TV or in movies. Sadly, the role went to Liza so he, with so much hesitation – is going for the next big thing – will wear those colourful head scarves and snake headdress provided her lips are fuchsia read!