MATAPOS ang 10 elimination rounds, grand finals na ng MR. and MS. FANTASY BODIES mamayang 10:00 PM sa VIAJE KADA comedy bar, Mezzanine 126 WilVic Bldg, Kamias Rd, Quezon City, cell# 0916-677-7217.

Magpapainit dito ang 10 pretty babes at 12 pogilicious hunks.

Ang ilan sa kanila ay lumahok sa NEXT TOUGH MODEL ng It’s Showtime.

Kabilang sa tsalap-tsalap na ­finalists sina Aaron Paul Garcia, Patrick San Miguel, Benson Torres, John Clark Tan, Jacy Estrella, Amir Reyes, Mark Revilla, Kimboy David, Richard Carlos, Rayver de Vera, JR de Asis at Ivan Fernandez.

P300 ang tiket.

Casting & Styling ito ni Bembem Kho, cell# 0929-143-6766.

Naka-post ang video clips ng huling dalawang elimination round sa YouTube channel na Tonite With Jerry Olea.

‘Yun na, Tito Mon!