Tamad nang magtanim ng palay ang maraming magsasaka dahil sa natatanggap na ayuda mula sa gobyerno, partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang inamin ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga senador nang humarap ito sa Senate committee on finance kahapon.
Ayon kay Piñol, dahil sa marami sa mga magsasaka ay beneficiary ng 4Ps, hindi na sila nagsasaka kundi inaabangan na lang ang ayuda ng gobyerno.
“Wala na pong nagtatanim sa bukid,” himutok ng kalihim sa komiteng pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda.
Inirekomenda naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri na bigas na lang ang ibigay sa mga beneficiary ng 4Ps imbes na cash upang sa gayon ay maobliga pa rin silang magtrabaho at hindi ang tumambay at mag-abang na lang ng ayuda ng gobyerno.