Farr, Magnolia kulang sa depensa

Aminado si coach Chito Victolero na nawala ang palabigasan ng Magnolia Pambansang Manok sa mga laro – depensa.

Kailangang ibalik nila ito lalo’t nasa playoff mode na ang Hotshots papasok sa final stretch ng eliminations sa PBA Commissioner’s Cup.

Mapapalaban ang Magnolia sa first game mamayang alas-4:30 nang hapon laban sa Rain or Shine na magpaparada ng bagong import kay Carl Montgomery kapalit ni Denzel Bowles na inabot ng knee injury sa second quarter ng 86-84 win sa Alaska nitong Sabado.

Nasa sixth place sa kasalukuyan ang 4-5 Elasto Painters, kapag nasundan ang panalo ay papalitan sa fifth ang 5-4 Magnolia.

Kapag nanalo ang Hotshots, makakasi-guro sila ng at least playoff para sa isang quarterfinals berth. (Vladi Eduarte)