Farr paparada, Fields sinipa

Farr paparada, Fields sinipa

Nakakaisang laro pa lang sa PBA Commissioner’s Cup ang Magnolia Pambansang Manok, tambak pa sa Alaska 103-80 nitong Miyerkoles.

‘Di na pinatagal pa ng Hotshots ang pahiyang, pinasibat agad si import John Fields at kinuha ang serbisyo ni James Farr. Kontra Aces ay nagsumite si Fields ng 12 puntos sa 4 of 11 shoo­ting at may 6 rebounds.

Tiwala si Magnolia coach Chito Victolero na makakabawi rin sila dahil umpisa pa lang naman ng torneo. Sisimulan nila ‘yun laban sa NorthPort sa first game mamayang 4:30 pm sa Smart Araneta Coliseum.

“We just need to bring back ‘yung old Magnolia Hotshots basketball, which is our aggressiveness and discipline on defense at ‘yung ball movement namin on offense,” giit ni Victolero, pinunto na kailangang dagdagan ang 13 assists lang nila kontra Aces.

Dumating si Farr noong Lunes, binigyan ng crash course sa sistema at laro ng Hotshots.

“’Yung chemistry lang namin with our new import ‘yung concern,” dagdag ng coach. “But sa tingin ko makaka-adjust naman siya.”

Habol ng NorthPort ang pangalawang sunod na panalo at panglima sa anim na laro para akba­yan sa tuktok ang Blackwater. Kahit ‘di nagpalit ng import, naniniwala si Batang Pier coach Pido Jarencio na matibay pa rin ang Hotshots. (Vladi Eduarte)