Pumanaw na ang isa sa mga leading designer ng Philippine fashion industry na si James Reyes. Sumakabilang-buhay ang designer kaninang alas-dose ng madaling-araw.
May sakit daw diumano si Reyes sa puso na maaaring naging sanhi ng pagpanaw nito.
Si Reyes ay apo ng sikat na manunulat na si Severino Reyes na siyang may akda ng “Lola Basyang.” Pamangkin ng aktor na si Efren Reyes.
Kabilang sa mga naiambag ni Reyes sa bansa ay ang mga costume na idinisenyo niya para sa Tanghalang Pilipino Production at sa Cultural Center of the Philippines o CCP. Siya rin mismo ang may likha ng mga modernong Filipiniana ng mga usherettes sa CCP.
Ang burol ay sa Alphonsus de Ligouri Church sa Magallanes, Makati hanggang March 20.