May isang taon pang haharurot ang Fast & ­Furious ng Ginebra.

Ayon sa isang source, pumirma na ng bagong dalawang taong kontrata sa Gin Kings si Mark Caguioa kaya masasaksihan pa ng fans ang tambalan nila ng long-time partner niyang si Jayjay Helterbrand na nakatakda ring pumirma ng isang taon pa.

Pumirma umano si Caguioa sa deal bago ang rookie draft noong Linggo.

Hindi binanggit ang halaga ng kontrata, pero mas malamang na hindi­ ito aabot sa league maximum na P420,000 monthly.

Dalawa pa sa miyem­bro ng championship team ni Tim Cone sa n­akaraang season-ending Governors Cup ang balik din sa Kings.

Nabigyan umano si Joe Devance ng P4.2 million contract, two-year deal na nagkakahalaga ng P4.8 million ang nakuha raw ni Dave Marcelo.