Napapanahon na para mabigyan ng karampatang edukasyon ang ba­yang karerista sa kahala­gahan ng FastBet sa mga karerahan ngayon.

Halos wala pang 300 ang bilang ng OTBs, karamihan pa nga dito ay iisa lang ang betting machine na nagsisilbi sa mahigit 100 mananaya sa oras ng karera kaya maraming taya ang nasasayang kapag hindi umaabot.

Kaya ang mga OTB operators o may-ari ang unang binibigyan ng kahalagahan sa pagpapalawak ng makabagong gadget na malaki ang maitutulong sa kanilang mga nasasakupan.

Ang paglalagay ng FastBet gadgets sa kanilang kapaligiran ay napapanahon na para makuha lahat ang mga last-minute betting splurge ng mga mananaya sa OTBs. Matagal na itong ugali ng mga mananaya kaya madalas ay hindi sila umaabot dahil nag-cut off na.

Kung merong FastBets na nakakalat sa OTBs, walang masasa­yang na taya at tiyak na tataas ang kanilang benta dahil nasasamot lahat ang taya kada karera dahil karagdagang betting machines na maituturing ang FastBets.

Magandang i-promote ang FastBets sa mga OTB dahil meron itong kinakailangang WiFi at mga dinudumog ng mga karerista. Wala nang problema kahit na isa lang ang betting machine dahil suportado ito ng FastBets na isa na ring betting gadget.

One Response

  1. kung mayroon nga maliliit na carinderia o snack house o mga pension house pwede silang magpataya sa mga parokyano nila ng bet para sa dd , fc , xd at dd+1 thru fast bet kukuha lang sila ng porsiento sa winning ticket ng mga 5 to 10 % kasi aabunohan nila ang panalo at ang kukunin nilang porsiento ay para sa abala at pamasahe sa pagkubra sa opisina . kaya lang kung ganitong sistema ang gagawin mo kailangan lagi kang may nakahanda na pang abono. ito ay isa sa malaking alternatibo at pamamaraan para madagdagan ang sales ng horse racing industry wala ka ngang porsiento sa taya sa winning ticket ka na lang kukuha 5 to 10 %.para sa maliliit na negosyo ng mga fast food o carinderia o maliliit na hotel system bussiness tara lets connect to fastbet syempre kailangan nakaconnect din sila sa mga skycable para mapanood ng mga parokyano ang live race.