Naging doble espesyal ang Father’s Day celebration para kina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos nang iladlad ng Philippine Basketball Association MVP winner ang kanilang kalibre sa malaking mga panalo ng San Miguel Beer at Alaska Milk sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff prelim sa Pasig City Sports Center.
Nasa dating porma pa rin si Caidic, nagbaon ng 9 triples sa pagbibida sa Beermen na languin ang Ginebra San Miguel.
Habang pumuntos ng 25 si Abarrientos sa pagpapak ng Milkmen sa Purefoods Hotdogs, 92-70.
Sa pinakaatig niyang salang, pumukpok si Caidic ng 32 points sa impresibong 10-of-14 shooting, tampok ang 9-of-13 sa 3-point area, para kumpletuhin ng San Miguel ang 3-game sweep sa prelims ng event na binalangkas ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon sa pakikipagtulungan ng PBA Legends Foundation.
Naging palabok sa solidong laro ni Abarrientos ang 16 assists, 4 rebounds at steal. May tatlo rin siyang trey na kinasaya ng mga tagasuporta ng team.
Kailangang manalo na lang ng Beermen at Milkmen sa Hotdogs at Gin Kings sa crossover semifinals upang makaabot sa finals.