Fatima, St. Clare sa NAASCU finale

May date sa Finals ang Our Lady of Fatima University at St. Clare College matapos hakbangan ang mga nakatunggali sa semifinals ng 16th National Athletic Association for Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Rizal Technological University gym Linggo ng hapon.

Dinagukan ng OLFU Phoenix sa overtime ang Philippine Christian University 91-81, habang binundol ng St. Clare Saints ang Lyceum Subic Bay 83-74 sa isa pang Final Four series.

Parehong nanaig sa do-or-die games ang OLFU at St. Clare at maghaharap sa best-of-three finals umpisa mamayang 4:00 p.m. sa Makati Coliseum.

Umiskor si Jerome Juanico ng 20 points para sa Phoenix.

Namuno sa opensa ng Saints si Michael De Leon na may 27 puntos.

Nagwagi ang St. Clare kahit na-eject si coach Jino Manansala.

May pagkakataong bumawi ang Saints na nabigo sa CEU sa finals noong isang taon.