Pambato ng San Pedro City si Faye Protacio para sa Turismo Filipina 2018. Siya ay 18 years old. May sukat na 32-23-34. Nag-aaral siya sa De La Salle University-Dasmariñas ng Humanities and Social Sciences. Makatulo-laway ‘pag pinagmamasdan ang kagandahan at kaseksihan.
“Bilang isang kandidata ng Turismo Filipina 2018, pangarap kong maipahayag ang aking adhikain para sa turismo ng Pilipinas. Nais kong iparating sa lahat ng mamamayan na ang turismo ay hindi lamang tungkol sa kagandahan ng mga lugar sa ating bansa. Ito’y tungkol din sa kagandahan ng ating kultura. Sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms, maipapahayag ko nang maayos ang aking pananaw sa turismo at magbigay-linaw sa tunay na kahalagahan at kahulugan ng turismo sa ating bansa.
“Ang mapabilang sa Turismo Filipina ay isang malaking opurtunidad para sa akin,” sambit pa niya.