Ni: Roldan Castro

Nanalong Turismo Filipina Luzon Ambassadress 2018 si Faye Protacio. Siya’y 18 years old, may sukat na 32-23-34.

Nag-aaral siya sa De La Salle University-Dasmariñas ng ­Humanities at Social Sciences.

“Pangarap kong maipahayag ang aking adhikain para sa turismo ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms, maipa­pahayag ko nang maayos ang ­aking pananaw sa tu­rismo at magbigay-linaw sa tunay na kahalagahan at kahulugan ng turismo sa ating bansa,” sambit niya.