Fb group ni Bo Sanchez may bayad

Nabalatan sa social media ang isang Facebook group ng spiritual ­preacher at stocks market advisor na si Bo Sanchez na bago makasali ay kailangan munang magbayad ng mga supporter.

Kapag hinanap ang Bo Sanchez Supporters Group sa Facebook, makikita ang isang private group na kailangan magbigay umano ng P269 ang mga nais maging miyembro nito.

Sa ngayon ay may 2,000 member ang nasa­bing grupo, na kung susumahin na nagbayad ang lahat ng miyembro nito ay nasa P538,000 ang umano’y nakuha ni Sanchez dito.

At kung mahumaling ang nasa 2 million Facebook follower ni Sanchez na sumali ay sisirit sa P538 milyon ang puwedeng makuha dito.

Nagpaliwanag naman si Sanchez sa nasabing Facebook group, sa Twitter ay sinabi na wala naman umano siyang kinuha sa bayad para makasali sa nasabing grupo.

Lahat umano ng kanyang nakokolektang donasyon ay binibigay sa mga mahihirap at nangangailangan.

“People have been ­asking me about my Facebook Supporters Group. It’s for people who VOLUNTA­RILY choose to support our mission. I don’t earn from this. I don’t even have a sa­lary from my ministries. All donations are given to our work for evangelization and huge work for the poor,” paliwanag ni Sanchez.

“Our work for the poor includes our home for the abandoned elderly, our home for sexually abused children, our center for pregnant women in crisis, etc. We’ve been doing this ministry for 40 long years already,” aniya pa.

Hindi naman kumbinsido ang ibang netizen sa paliwanag ni Sanchez, at hinimok na ilabas ang impormasyon kung saan dinadala ang donasyon para maging transparent sa kanilang miyembro.

Habang ang iba naman ay sinasabing palusot lang umano ang dahilan ni Sanchez, at tinawag pang con artist ang preacher.

“This is exactly what a con artist would say when exposed,” saad ni @MABuendiaHD.

“Defend pa more… same lang naman sa ginagawa mo sa TrulyRichClub, mukha kang pera,” ayon naman kay @iam_thehusband.

“making money off his followers online. His Facebook group is already worth USD10,000 a month. Please explain to me where does all that money go to? If I give him my money, does it gua­rantee a seat in heaven?,” reaksyon pa ni @RheaCa­tada sa Twitter. (Ray Mark Patriarca)