Nothing has changed – traffic everywhere. Pero lalo pang tumindi ang daloy ng trapiko nitong mga nakalipas na linggo. Nagbigay na kasi ng 13th month pay ang maraming kompanya. Kaya tiyak akong nagsimula na rin kayong mamili ng mga pamaskong regalo. Ika nga, ramdam na ang Christmas rush.
Tama rin naman, kung may extra pera na – simulan nang magshopping ng mga Christmas gift. Mahirap makipagsiksikan sa dagsa ng mga tao. Lalong kumakapal ang shoppers sa mga mall habang papalapit ang Pasko.
Sa kabila ng heavy traffic, crowded malls at init ng panahon, may mga paraan pa rin naman para maging happy at enjoyable ang iyong pagsa-shopping at hindi masyadong maramdaman ang Christmas rush.
Una, planuhin ang shopping. Bago pumunta ng mall, siguruhing may Christmas gift list para mabilis ang iyong pamimili. Mainam din kung ililista na ang boutique o shop kung saan ito mabibili para makabawas din sa oras ng shopping.
Huwag nang hintayin ang Christmas shopping fever. Alam kong nakaka-tempt mamili sa mga mall na may ‘sale’ o bagsak-presyong produkto. Pero kung maiinis ka naman sa sobrang siksikan at baka masalisihan ka pa, iwas na lang sa dagsa ng mga tao. Isa lang ang punto nito, agahan ang pamimili.
Mas maraming shoppers tuwing weekend. Kung ako ang tatanungin, less-hassle kung weekdays ka mamimili. Hatinggabi namang nagsasara ang mga mall ngayon dahil late na rin silang nagbubukas. Tuwing Christmas season, 11am hanggang 12mn ang operating hours ng mga mall bilang tugon sa mabigat na trapiko sa Kamaynilaan.
Magbaon ng tubig at maraming pasensiya. Huwag ding mainitin ang ulo sa gitna ng heavy traffic para iwas-gulo.
Hindi lang sa mga mall may Christmas rush, pati rin sa pagpapadala ng mga bagahe at regalo lalo na kung mula ito sa ibang bansa. Para maiwasan ang transportation delays, agahan ang pagpapabagahe. Mas masaya rin kung matatanggap ng mga mahal mo sa buhay ang padala bago o sa mismong araw ng Pasko.
Ang sa akin lang, kung may extra budget ka – mamili na habang maaga pa para di ka ma-hassle sa stress na dulot ng Christmas rush.