Marami na palang naiirita sa kakaibang attitude ng isang feelingerang singing champion (FSC).
Produkto ng singing competition ng isang network si FSC, pero hindi pa man ito sumisikat ay may ‘feeling’ na, kaya kinaiimbyernahan na ito.
Ang una naming narinig na chika ay ang paninisi ni FSC sa musical director nang sumablay siya sa isang song number.
Nalerky ang production sa palusot ni FSC na ang bilis nakahanap ng rason kung bakit siya nasintunado. Siya na nga itong pumalpak, nanlaglag pa ito ng ibang tao.
Ang mas malala ay ‘yung reklamo ng ilang celebrities na kesyo may katarayan daw si FSC at feeling VIP ito na ang daming demands.
Wow! Hindi pa man big star ay nagdi-diva-divahan na si FSC, eh ano pa kaya kung sumikat siya?!
Well, sorry to say pero base sa attitude na ‘yon ni FSC, feeling ng mga nakakatrabaho niya ay hindi magniningning ang kanyang bituin at mabilis na magdidilim ang career niya.
Sabi pa nila, ang totoo ay hindi naman kagalingan at hindi rin kagandahan si FSC, so dapat ay maging mabait ito at magpasalamat sa suwerteng dumating sa kanya.
Sayang dahil nu’ng una ay tila promising pa naman si FSC.
Kaya lang, sa dami ng hindi kagandahang chika na naririnig namin sa kanya, mukhang malayo talaga siya sa idolo niya na bukod sa may pambihirang boses ay may ginintuang kalooban.
‘Yun ang dapat gayahin ni FSC sa halip na nagpi-feeling at nag-a-attitude siya, ‘no!
PAK!!
Tsugihan sa ‘StarStruck’ bukas
Susubukin ang comedy timing ng “StarStruck” Final 14 kasama ang Kapuso comedy genius at bida ng “Family History” movie na si Michael V.
Ang daming itinuro ni Bitoy sa Final 14 at para nitong binigyan ng free workshop ang mga bagets.
Dumalaw ang “StarStruck” finalists sa taping ng “Bubble Gang” at binigyan din sila ng tips ng direktor ng “BG” na si Direk Cesar Cosme.
Comedy challenge ang artista test ng 14 hopefuls ngayong gabi sa “StarStruck” pagkatapos ng “Daddy’s Gurl.”
Last week ay ni-reveal ang twist matapos i-announce ng host na si Jennylyn Mercado na walang matatanggal sa finalists.
Pero mula sa walong na-eliminate ay anim ang bumalik bilang second chance takers o wildcard. May chance na pumasok ang mga ito sa Final 14, na ang magde-decide ng kanilang kapalaran ay ang council.
Bukas ay isang babae at isang lalaki ang magpapaalam sa Final 14. Umiinit na rin ang botohan dahil malaking bagay ito para maisalba ang paborito niyong hopeful. You can vote via text and online.
Base sa pinost naming interview videos sa YouTube, pinakamalakas sa boys sina Abdul Raman at Jerick Dolormente habang sa girls naman ay sina Pamela Prinster at Dani Porter.(Allan Diones)