NOON pa namin naririnig ‘yung tsika na masyadong bilib sa sarili ang isang feeling magaling at feeling sikat na female star.

Kamakailan ay umiral na naman ang pagiging BNBSS (bilib na bilib sa sarili) ng feelingerang star.

Sa isang prestigious awards night ay nakita ni feelingerang star ang isang bigating tao na may kinalaman sa event na ‘yon.

Ang ginawa ni feelin­gerang star ay buong ningning siyang lumapit sa nasabing bigating personality at walang takot na ipinakilala ang kanyang sarili.

Walang gatol at walang kaba na nakipagkamay si feelingerang star after i-introduce ang sarili niya.

Confidently confident!

Ang nakakalukring ay ang kasunod na hirit ni feelingerang star sa bigating tao na kaharap niya.

Buong ningning na tanong niya rito, “Did you see my movie? Did you like it?!”
Tumbling ang ibang mga nakarinig sa tibay ng apog ni feelingerang star!

Kahit ang pinakamahuhusay na artista ay hindi nauunang magtanong kung nagustuhan ba ang pelikula nila.

Ang tamang pag-uugali ay hinta­yin mong pansin o purihin ka ng ibang tao, huwag mo silang pangungunahan.

Hindi namin sure kung anong naging sagot ng bigating persona­lity kay feelingerang star, pero ang daming nalukring sa pagiging ade­lantada niya.

Pansin ng mga dumalo sa nasabing event na ‘expectorant’ si feelingerang star nu’ng gabing ‘yon dahil ayos na ayos ito nang dumating at may aura ito na feeling winner.

Sad to say ay walang na­iuwing anumang tropeo si feelingerang star.

Isang malaking NGA­NGA ang beauty niya sa nasabing awards night!