Feelingerang starlet, buking sa sikat na friendship

CONTROVERSIAL starlet, super-friendly.

As in lahat ng sikat, friend niya.

Kahit nakailang lipat na siya ng TV network, nananatili siyang starlet for all stations.

Sa bago niyang nilipatan, medyo OK naman siya. May regular show siya pero dahil may pagpapa-nega siya, unti-unting nababawasan ang exposure niya.

Sa umpukan ng mga beki, lagi siyang jumo-join kahit hindi naman siya tinatawag.

Eh kasi naman, na­yayabangan na ang mga baklush kay superstarlet, na ibinibida ang mga mga sikat at yayamaning friendship daw niya.

Start na ang hun­tahan…

Hirit ni beki #1, inis siya sa kaartehan ng kilalang aktres.

Entra si starlet, “Uy! Hindi naman! Bait kaya nu’n! Friend ko ‘yun, ‘noh?!”

Hanash ni beki #2, si young actor eh ang da­ming arte. Utos nang utos, hindi naman nagte-thank you.

Kuda ulit si starlet, “Ha! Barkada ko ‘yun! Mabait siya! Baka naman sinisiraan mo lang!”

Hanggang pati handler at alalay, friendship niya.

Eto na… kasama pala sa taping ‘yung sikat na aktres, na bumeso sa mga bading.

Si starlet, nginitian lang ng sikat na aktres.

Talak ni beki #1, “Akala ko ba, friend mo siya?! Eh bakit hindi ka bineso?!”

Palusot ng starlet, “Baka pagod lang!” sabay alis.

Tawanan ang mga bading at sabay-sabay na tumili, “KILALA TALAGA, HA?!”

Paigtingan ng halakhak ang mga badidang.

HA! HA! HA! HA! HA! HA! HA!

***

Ang actress-host na ito, napapanood pa rin kahit paano.

Pero hindi tumatatak ang name at fez niya sa mga utaw.

Socialite raw ito. Kaya naman panay ang English ni ate.

Ayon sa mga nakakausap niya, tama naman ang grammar nito. Hindi nagsasabunutan ang mga subject at predicate. Chillax ang mga adverb, adjective, conjunction at preposition.

Ganu’n pa man, unti-unting na-lost sa mga serye ang beauty and brains niya.

Aba! Dapat i-reinvent niya ang kanyang sarili!

Doon siya nag-aral mag-cooking. Kinarir niya ang culinary arts para matawag siyang chef.

Pinagsabay niya ang pagluluto at pag-aartista.

Natapos ni ate ang culinary course kaya bilib na bilib siya sa sari­li.

Back to back ang guesting niya sa mga cooking show.

Sa isang show, ni-request siya ng simpleng reci­pe. Siempre, feel na feel niya ito. Chika niya, “This is it!”

Start ang lutuan. Chinika niya ang mga sahog at buong yabang niya itong ipinagmalaki na ito ay napakasarap.

‘Kaka-impress kung siya’y tingnan. Confidently beautiful, ikanga.

Pati ang mga host, nagulat sa mga paandar niya. ‘Tsurang alam na alam ang hinahanash at kinukuda.

Tikiman na… WAH talk ang mga host at guest. Hindi nila masabi ang lasa.

‘Yung isa, muntik nang mailuwa ang ‘luto’ ni chef actress.

Pilit na pilit na nilunok nila ito kahit hilaw pa.

Natapos ang show. Beso-beso…

Nang nakaalis na si actress, doon nila napag-usapan na chaka at hilaw ‘yung ‘luto’ ni chef kuno.

***

Young actress na feeling sikat na, feeling the best in aktingan pa!

Produkto siya ng artista search. Hindi man nanalo, WAH siya care.

Eh kasi ba naman, my jowa siyang DOM na madatung.

Give siya ni lolo ng car.

st-04-starlet-(cmyk)Lahat ng maibigan niya, ibinibigay ng jowa niyang mashonda at masyuba.

Sabi ni young actress, may blood siyang jurtista, kaya feel niya talaga ang umakting.

Para mahasa ang kanyang acting piece, nag-hire ng acting coach ang kanyang su­gar daddy.

Sa taping na siya ang bida (take note), nagtataka ang co-stars niya.

Bakit kapag si feeling sikat ang kinukunan, ang tagal-tagal matapos?

Madaling-araw na… Kukunan ang highlight ng serye.

Nandoon ang mga bida at mga kontrabida. May mga extra pa. ACTION!

Ang tagal-tagal makunan nang maayos ang eksena. Hindi maibigay ni young actress ang tamang emosyon.

Hindi rumerehistro sa kanyang mukha ang silakbo ng damdamin na kaakibat ng kanyang dialogue.

Tumitili na si direk sa inis, asar, galit at yamot.

Kulang na lang, suntukin ni direk si young actress na naka-take 21 na.

Pagod na ang lahat.

Si acting coach, nag-disappearing act!

Ang solusyon ni direk, kunan nang nakatalikod ang bobitang bida at ipa-voice-over na lang!