‘FELIX’ PANALO

Dennis Trillo

PANALO ang ­Felix Manalo sa FAMAS Awards.

Nakalimang tropeo ito sa mga kategoryang best picture, best director (J­oel Lamangan), best actor (Dennis Trillo), best screenplay at best theme song.

Nagmaganda ang Crazy Beautiful You sa mga kategoryang best supporting actress (Lorna Tolentino), best supporting actor (Gabby Concepcion) at best child performer (JM Ibañez).

Nagmarka ang Angela Markado sa categories na best actress ­(Andi Eigenmann) at best ­vosial effects.

Ang direktor ng ­Angela Markado na si Carlo J. Caparas ay dalawa ang special award — Director Par ­Excellance at Screenplay Par ­Excellance.

Ang Front Row Stars of the Night ay sina ­Piolo Pascual & ­Lorna ­Tolentino, samantalang ang ­Finesse Look of the Night ay sina Robi ­Domingo & Jean Garcia.

Pinagkalooban din si Piolo ng special award na Actor Par Excellance.

May Post-Humous Award para kay ­German Moreno, at pinarangalan ng German ­Moreno Youth Achievement Award ang mga ­Kapuso na sina Jak Roberto, ­Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

Ginawaran din ng special award sina ­Vilma Santos (Presidential Award), Robin ­Padilla (Fernando Poe Jr. Memorial Award), Gloria ­Sevilla (Lifetime Achievement Award) at Jojo Gabinete (Dr. Jose Perez ­Memorial Award).

***

Lagi na lang sumasakit ang ulo ni Senator Manny Pacquiao sa mga nangyayari sa Se­nate ­investigation.

Sa boksing, naiintindihan natin ang pagsakit ng ulo niya dahil tinatamaan ito ng mga suntok.

Baka kailangan ni PacMan ng mas matin­ding pain or headache reliever kaysa ang brand na ineendorso niya.

Sana rin, talasan pa niya ang pagtanong at gumawa ng strategy based on research para mapaamin ang mga testigo sa drug case.

***

Hindi nakakatuwa ang pagpapa-cute ni Sandra Cam na head ng grupo ng Whistleblowers.

Naboljak tuloy siya ni Senator Leila de Lima nang tanungin kung ano ang personalidad niya para sumawsaw sa pagsundo ng mga katulad ni Espinosa sa Abu Dhabi.

***

Sa jackpot round ng ­Family Feud, medyo nakaka-­turn off ang mga sagot ng public official ng B­ulacan na si Alex Castro.

Nang tanungin kung ano ang pelikulang Pilipino na may sequel, ang sagot niya ay Tanging Yaman.

Zero ang score niya ­dahil walang sequel ang pelikula ni Gloria Romero.

Ang may sequel ay ang co­medy film ni Ai Ai de las Alas na Tanging Ina.

At heto ang major minus pogi points sa boyfriend ni Sexbomb Sunshine Garcia…

Nang tanungin kung anong prutas ang ginagawang juice, ang sagot ni Bokal Alex ­Castro ay, “MEYNGGO!”

Beynggow siya!