Balitang may utang ang isang kilalang aktres (KA) sa isang kilalang female personality (KFP).
Chika ng aming source, malaki raw ang hiniram na datung ni KA kay KFP, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagbabayad.
Mukhang wala raw planong magbayad si KA dahil hindi ito nagpaparamdam kay KFP.
Maraming datung si KFP dahil sa mister nito na isang sikat na male personality, pero ang utang ay utang kaya dapat lang magbayad si KA.
Matagal-tagal nang wala sa eksena si KA kaya mukhang malabo itong makabayad. May utang pa rin daw ito sa isang showbiz company na hindi pa rin nito naibabalik.
May isang yayamaning personalidad (YP) na ka-close si KA na puwedeng tumulong sa kanya na makabayad sa mga pagkakautang niya.
Pero malamang marami na rin daw naibigay kay KA si YP, so baka hindi na rin siya makautang pa rito.
Kalerky ang sitwasyon ngayon ni KA, na isang malaking misteryo kung paano nagsu-survive gayong wala na nga siyang career ay baon pa siya sa pagkakautang!
***
Egg cell ni Korina pinagdudahan
Buong ningning na ngang in-announce ng mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas ang pagkakaroon nila ng twin babies.
“Made in the US” ang kanilang kambal na boy and girl na balitang taga-Amerika ang surrogate mother.
Itinuturing itong “miracle” ni Korina, dahil sa edad na 54-anyos ay sino nga bang mag-aakala na magkakaanak pa siya?
Well, sa tulong ng siyensiya at malaking salapi (hindi raw bababa sa $200K ang ganitong proseso) ay natupad ang pangarap nina Mar & Korina na magkasupling.
Ang sabi ay katulad ito ng baby nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. na si Scarlet Snow na nanggaling umano sa egg cell ni Vicki at sperm cell ni Hayden, tapos ay inilagay ang fertilized embryo sa isang foreigner na surrogate mother.
Kalerky dahil gaya kay Dra. Belo ay may mga nagdududa rin kung egg cell nga ba ni Korina ang hinarvest para sa isinagawang in vitro fertilization para magka-baby sila ni Mar.
Kailan pa raw ba nagpa-freeze ng kanyang egg cells si Korina? As in nu’ng mas bata at mas sariwa pa siya ay naisip na niyang magpa-preserve ng eggs niya for future use?
Oh well, hindi naman talaga maaalis palagi ang mga ganu’ng pagdududa. Ang mahalaga ay sakses ang pangarap ni Ate Koring na magkaanak.
Malamang naman ay isi-share nila ni Mar ang buong kuwento nu’n sa kanyang show na “Rated K” so wait na lang natin.
***
Barbie, Mika naglambitin sa footbridge
Ang daming nabitin na sa opening scene lang ng premiere episode ng “Kara Mia” lumabas sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, tapos ay itutuloy pa ‘yung paglambitin ng dalawa sa footbridge na parang mahuhulog.
Agree kami du’n sa request ng Kapuso fans na kung puwede ay panay eksena nina Barbie at Mika. Kaya lang siyempre, kailangang ipakita nu’ng baby pa sila at nu’ng mga bata hanggang sa nagdalaga.
Feeling namin ay mas dadami pa ang nagsulputang memes at Kara Mia Challenge kapag sina Barbie at Mika na talaga ang napapanood gabi-gabi.
Natuwa raw ang GMA na pataas ang ratings ng “Kara Mia” na mukhang habang tumatagal ay pabongga nang pabongga.