
Maraming nalulungkot sa nangyari sa pamilya ng isang female celebrity pero mas nakararami ang sumisisi sa kanya sa kanilang pinagdadaanan ngayon.
Masyado raw kasing show-off ang babae. Palagi niyang ipinagbabanduhan sa buong mundo ang mga karangyaang tinatamasa nila ngayon. Opinyon ng marami ay siya mismo ang nag-iimbita para gawan sila ng hindi maganda ng ibang tao.
Kuwento ng aming source, “Isa siya sa mga celebrities na parang masayang-masaya kapag ipino-post niya ang kung anumang meron siya. Kinukunan niya ang mga branded stuff niya, laman ‘yun ng IG niya, para bang ipinagyayabang niya na ganito na siya ngayon.
“Madali namang intindihin ‘yun kung bakit. Dati nga naman kasi, e, puro pangarap lang niya ang mga kagamitang ‘yun na milyunan ang halaga. Naglalaway lang siya dati sa mga branded bags at shoes.
“So, nu’ng meron na siyang capacity na magkaroon ng mga pinapangarap niya, e, para na siyang nangongoleksiyon. Hindi lang isa, maraming kulay ang binibili niya sa bawat brand na magustuhan niya!
“Okey pa rin naman ‘yun, pera niya naman ang ginagastos niya, ano nga ba ang karapatang makialam ng iba, e, hindi naman ang bulsa nila ang nalalaslas?
“May karapatan siyang lumarga nang lumarga, kesehodang milyon pa ang halaga ng isang branded bag lang niya, ha? Pera niya ‘yun, kung saan niya gustong gastusin ang pera niya, malaya siyang gawin ‘yun!
“Pero sana, e, maging discreet naman siya, huwag na niyang ipinagbabanderahan pa ang mga kagamitan niya, kanya na lang sana ‘yun, para hindi siya napipintasan.
“Kaso, pose siya nang pose para sa OOTD niya, post siya nang post ng mga bagong bili niyang branded stuff, ganu’n nga yata ang mga biglang yaman, hindi makapagpigil!
“Ayan tuloy, nakakaisip ang ibang tao na gawan sila ng hindi maganda. Post kasi siya nang post, imbita siya nang imbita ng mga magnanakaw!” madiing pagtatapos ng aming source.
Nakakawindang ang mga rebelasyon kina Alden, Arjo
Parang mga sundalong baril lang nang baril nang walang direksiyon ang mga grupong nanggugulo kina Alden Richards at Arjo Atayde.
Grabe ang mga taong ‘yun, wala na yata silang ginagawa sa maghapon at magdamag kundi ang bulabugin ang dalawang aktor na nauugnay kay Maine Mendoza ang pangalan.
Binibira nila si Alden, inuupakan din nila si Arjo, kung anu-anong kuwento ang inilalabas nila na tunog-ilusyon naman.
Nagbigay ng kanyang mga komento ang kaibigan-anak-anakan naming si SOS na nakita si Alden nang malapitan sa unang-unang pagkakataon.
Ang kanyang kuwento, “Kakaiba talaga ang ilusyon ng ibang AlDub blind fanatics! Nakakawindang talaga ang mga rebelasyon nila. First time po naming manood ng Eat… Bulaga na sa APT Studios na sa Marcos Highway ginagawa.
“First time din po naming nakita nang personal si Alden Richards na ubod nang guwapo naman pala talaga. E, kaya naman pala nag-iilusyon ang mga AlDub fanatics na magkatuluyan ang mga idolo nila, e, dahil sa sobrang kaguwapuhan ni Alden!
“Prized catch nga naman si Alden, sobrang guwapo, kaya ayun, bina-bash nila si Arjo Atayde dahil ayaw nilang mapunta si Alden sa iba!
“Naku, huwag na silang mag-ilusyon para hindi sila nawiwindang. Total package kasi si Alden, wala ka nang hahanapin pa. Saan ka pa? Kaya nga hindi siya mai-let go ng mga bulag na faney!
“Tama na ang mga rebelasyon kuno nila. Debosyon plus emosyon equals ilusyon, chos!” mahabang mensahe ni SOS. Ha! Ha! Ha! Ha!