Female celebrity nilalamon ng kalukringan

Feel na feel ng a­ming source ang pagkukuwento with matching acting pa tungkol sa kalukringan ng isang kilalang female celebrity (KFC).

Tsika ng aming malditang source, may mga araw raw na paggising ni KFC ay bigla na lang sasabihin nito sa kanyang assistant na tawagin na ang makeup artist niya dahil kailangan na niyang magpaayos for a shoot.

O, kaya ay uutusan daw nito ang staff niya na ilabas ang kanyang gown na isusuot niya para sa ganito at ganyang activity niya for the day.

O, bigla niya na lang ipapahanda sa kanyang mga tauhan ang mga gamit niya dahil may ganito o ganyang lakad daw sila.

Minsan ay mga dayalog din si KFC na tatawag daw si ganito at si ganyan dahil meron daw silang naka-schedule gawin na ganito at ganyan kaya dapat ay mag-ready na raw sila.

Ang mga tao niya ay napapanganga na lang daw o napapa-look sa sky dahil wit naman trulaloo ang mga hanash at eklavush ni KFC.

As in walang shoot, walang tawag, walang schedule, walang mee-ting, walang ganap, walang kung anuman pero kung makahanash si KFC ng kung anik-anik ay wagas.

Sey ng aming source, hindi mo malaman kung may amats ba si KFC kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi nito o galing lang ‘yon sa malikhaing pag-iisip nito, na tila hindi na alam kung alin ang pantasya at alin ang realidad.

Pakrung-krung levelz na nga ba si KFC at unti-unti na siyang nilalamon ng kanyang pambihirang imahinasyon?!

Biglang umawit na mala-“Sunset Boulevard” ang aming malditang source, na plakado ang akting ni Norma Desmond, ang dating sikat na aktres na nang malaos ay tinakasan ng katinuan at naging aning-aning!
Kalukring!!!
***

Bagong StarStruck maglilipatan sa ABS?

Grabe ‘yung usual comment ng bashers na may bagong “StarStruck” na naman daw ang GMA, so may mga bagong artista na naman daw na maglilipatan sa ABS-CBN.

Marami-rami na kasing produkto ng “StarStruck” na from being a Kapuso ay naging mga Kapamilya.

Ilan sa pinakasikat na graduates ng nasabing artista search ng GMA na nasa kabilang network na ay sina Paulo Avelino, Cristine Reyes, Ryza Cenon at Aljur Abrenica.

In fairness ay naging bigger stars naman talaga sina Paulo at Cristine dahil sa ABS. Sina Ryza at Aljur, it still remains to be seen.

Kung matututong mag-handle nang tama at magpasikat ng kanilang mga artista ang GMA Ar-tist Center (Talent Development and Management Department o TDMD na raw ang bagong tawag dito) ay walang lilipat sa kabilang bakod.

Sana nga, dahil kailangan na kailangan ng GMA ng mga bagong artista na sisikat at makikilala. Ang ABS ay laging merong mga bago dahil sa “PBB” na in fairness ay dami nang nagawang big stars out of ordinary people.

Ipapakilala na ng Kapuso network ang bago nilang batch of promising young stars dahil sa Sabado na, June 15 ang simula ng bagong season ng “StarStruck” na ihu-host nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Ang dinig namin ay sobrang kuwela rito ni Jose Manalo bilang isa sa tatlong celebrity j­udges, na kung tawagin ay “StarStruck” council kasama sina Ms. Cherie Gil at Heart Evangelista.

Medyo kabado raw si Heart dahil first time nitong magiging judge ng programa. Kaabang-abang naman ang mga soundbite ng primera kontrabida na si Ms. Cherie.

Ngayong Lunes naman, June 10 ang simula ng online show na “Inside StarStruck” na ihu-host ni Kyline Alcantara.

Dito unang ire-reveal ang Top 22 hopefuls at mapapanood ito sa YouTube channel ng “StarStruck.”