tonite-no-thanks-cristy-fermin

Nakakaawa naman ang isang pamosong female personality. Ang tawag sa kanya ngayon ay pa-victim. Siya raw ang junior ng isang babaeng personalidad na puro hinanakit din sa pakikipagrelasyon ang ibinabando sa publiko.

Ewan kung sinasad­ya ng female persona­lity ang kanyang mga hugot, pakiramdam nga ng magkakaumpukan isang gabi ay hindi na siya natutulog sa kama kundi sa harapan ng kanyang mga gadgets, kaya siya post nang post ng kanyang mga sentimyento.

Kuwento ng isang source, “Parang napa­katagal niyang makapag-move-on sa bawat pakikipag-break niya. Parang masyado siyang tumitira sa nakaraan, samantalang bata pa naman siya, marami pang darating sa buhay niya.

“Nauumay na kasi ang marami sa mga inilalabas niyang hanash. Palagi na lang hugot ang inilalabas niya na para bang wala na siyang kinabukasan pagdating sa pakikipagrelasyon?

“Aba, nakapag-move-on na ang mga exes niya, may mga sarili nang buhay, pero siya, e, nand’yan pa rin, natutulog sa past niya!” may halong pagkainis na reaksiyon ng aming source.

Tuloy ay junior ng isa pang aktres ang tawag sa kanya ngayon. Wala rin siyang nagiging kaibigang ex niya. Ganu’ng-ganu’n sa ikinukumparang female personality sa kanya na puro hinaing ng nakaraan ang palaging ipinagsisigawan sa publiko.

“Naku, ha? Ganu’ng-ganu’n na rin siya ngayon, palaging pa-victim, pala­ging kipkip ang victim card niya. Nakakaumay nga naman ang ganu’n!

“Sino pa ang magkakagusto sa kanya kung ganyan na lahat na lang ng lalaking dumadaan sa buhay niya, e, iginagawa niya ng hugot? Ano ang magagawa niya kung ‘yun palang actor na akala niya, e, nagmamahal sa kanya, iba naman ang gusto?

“Maganda naman siya, maga­ling siyang umarte, bakit siya nawawalan ng hope na isang araw, e, makikita rin niya ang totoong magmamahal sa kanya?” pagtatapos ng aming source.

Maine, Arjo matagal nang may relasyon

Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Matagal nang magkarelasyon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Nu’ng mga panahong inuupak-upakan ng ibang miyembro ng AlDub Nation si Arjo at ang pamilya nito ay magkarelasyon na sila.

Ipinakilala na nu’n ni Maine sa kanyang pamil­ya ang aktor, nagkakilala na rin ang mga magulang ni Maine at ang pa­rents ni Arjo, kaya huwag nang umasa pa ang mga taga­hanga nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza na mapipigil pa nila ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Sabi ng aming source, “Maingat lang sila, pero nu’ng sinabi ni Maine na exclusively da­ting nila ni Arjo, sila na nu’n. Nakakaligtas na sila sa mga mata ng mga AlDub fans, nakapagpoprobinsiya nga sila nang walang lumalabas na kahit ano,” sabi ng a­ming kausap.

Kailangan nang isuko ng mga nakiki­pagpatayang fans nina Alden at Maine ang kanilang pangarap na ang kanilang mga idolo ang magkatuluyan.

Mula nu’ng 2015 ay sila na ang magkasama halos sa araw-araw, pero meron bang naganap na seryosong relasyon sa kanilang pagitan, parang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo lang sila na hanggang sa harap lang ng mga camera nag­lalambingan.

Pang-unawa ang kailangan ngayon ni Maine. Kailangang intindihin ng kanilang mga tagahanga ni Alden na may sarili silang buhay. Hindi ang kung sino ang gusto ng kanilang mga fans ang kailangang masunod.

Ang puso ni Maine ay hindi puso ng mga fans. May sariling buhay ang dalaga na kung sino ang nagpapaligaya sa kanya ay kailangang du’n siya.

Sa pakikipagrelasyon ni Maine kay Arjo ay itinaya na niya ang lahat-lahat. Handa na siyang mabuwag ang loveteam nila ni Alden, naka-ready na siyang humiwalay ang kanyang mga loyalista sa buhay niya, taya na pati ang buhay at career ni Maine sa pakikipagrelasyon niya kay Arjo Atayde.
Pero maligaya siya.