PARA-PARAAN lang. Kumukulo sa init ang libido ng isang pamosong female persona­lity. Mainipin pa. Kapag gusto niyang lumipad sa langit-langitan ng kaligayahan ay walang choice ang kanyang karelasyon kundi pagbigyan ang init ng kanyang katawan.

Wala siyang pinipiling lugar. Sa kotse, sa simbahan, sa dalampasigan—kahit saan! Ang mahalaga ay ang makapagpaalpas siya ng kumukulong libidong gusto na niyang pakawalan.

Madaya ang kanyang itsura. Sa estado sa buhay na meron siya ay hindi mo aakalaing puwede pala ­siya kahit saan.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang mag-dinner date sila ng boyfriend niya, e, sukat ba namang maisipan niyang gawin ang paglipad sa kaligayahan sa kotse?

“Ihahatid na siya ng boyfriend niya, pero pinili niyang dumaan sa isang yayamaning subdivision na tahimik dahil maagang na­tutulog ang mga naninirahan du’n.

“Nagdadalawang-isip ang boyfriend niyang kilalang male personality, paano kung may roving guard na makahuli sa ginagawa nila? E, malakas talaga ang loob ng girl, kung ano ang gusto niya, e, kailangang masunod!

“So, kumandong ang girl sa BF niya, siya ang hinete, siya ang working girl. Pero nu’ng nakakailang minuto na siya sa up and down movement niya, e, nahagip niya ang busina ng sasakyan!

“Aysus, parang wangwang ang busina, napakai­ngay, kaya ang male perso­nality na ang nagpumilit na ilipat ang girl sa unahang upuan! Bitin ang laban, pero kailangang gawin ‘yun, si­guradong mahe-headline sila kinabukasan at siguradong talk of the town sila dahil sa pagpapaalpas ng init ng katawan sa kotse ng guy!

“Buti na lang, dahil maya-maya, e, dumarating na ang roving guard, pero binuksan agad ng male personality ang bintana ng car, ‘Pare, walang problema, naipit lang ang busina. Pero okey na, naayos ko na!’

“Hindi nakita ng guard kung sino ang babeng kasama ng male personality, nakatakip na kasi ang mukha niya, inis na inis sa nangyari!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Whew!

Maricel ‘di kinalawang

WALA pa ring kupas si Ma­ricel Soriano! Tulad ng kanyang hawak na titulo bilang Diamond Star, ang kanyang kinang ay nand’yan pa rin, matagal man siyang nagpahinga sa pag-arte ay hindi kinalawang ang kanyang galing.

Nakaka-miss si Marya. ‘Yung mga sultada niyang kanyang-kanya lang, siya lang ang nakaka-carry, nag-iisa lang ang Diamond Star sa kanyang hanay.

Tama ang kanyang desisyon na lumayo sa social media, wala siyang kahit anong social media account, angkin na angkin ni Marya ang kanyang oras at perso­nal na buhay.

Nandu’n ang mystery, lalo na’t hindi siya ang tipong pakalat-kalat, kahit nu’ng bagets pa siya ay trabaho-bahay lang ang ruta niya sa maghapon. Mara­ming nangyayari sa kanyang buhay pero walang nakakaalam, para kay Maricel ay ibinibigay na niya ang lahat ng kanyang talento sa publiko, kaya sana’y ipaubaya na lang sa kanya ang mga kuwentong dapat na kanyang-kanya lang.

May special participation siya sa My 2 Mommies ng Regal Films at puring-puri niya sina Paolo Bal­lesteros at Solenn Heusaff, walang ere ang mga ito at para lang silang naglalaro sa set, kaya walang naging problema sa kanila si Direk Eric Quizon.

Pagkatapos ng presscon nu’ng Lunes nang hapon, kinagabihan ay kinausap na ni Mother Lily si Direk Eric Quizon, kailangan nang gumawa ng isang full length movie si Marya na pagta­tambalan nila ni Direk Joey Reyes na susulat ng script.

Maraming salamat kay Tita Dolor Guevarra sa matutok nitong imbitasyon. Minsan pa ay nagkita kami ni Maricel Soriano na mula nu’n hanggang ngayon ay espesyal sa aming puso.