Nakakamangha na nakakaaliw ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang kila­lang female persona­lity. Ang kanyang imahe ay mahal niya ang sining na biswal.

Hindi siya nagpipinta pero mahilig siyang mag-ikot sa mga gallery para tumingin ng mga obra. Paminsan-minsan ay bumibili rin naman siya pero mas madalas na parang pagwi-window shopping lang ang ginagawa niya.

Dahil kilalang-kilala nga siya sa linyang kinabibilangan niya sa harap ng mga camera ay nagtitiwala agad sa kanya ang mga may-ari ng gallery.

Kuwento ng aming source, “Alam mo bang pinagtatawanan sa art scene si ____(pangalan ng pamosong female personality na pala­ging humaharap sa mga camera ng telebisyon)? May ginawa kasi siyang nakakatawa na nakakainis nu’ng minsan!

“Tinawagan niya ang gallery owner, hindi raw siya makararating du’n dahil nasa isang malayong probinsiya siya. Sana raw, e, magpadala ng mga art pieces sa kanya ang may-ari.

“Gusto raw niyang bumili ng pangregalo sa isang kaibigang very special sa kanya. So, nagpadala naman ang gallery owner ng magagandang pain­tings sa bahay niya! Piling-pili, magaganda talaga, mga kilalang pintor ang gumawa ng mga paintings!

“Pero walang napili ang female personality, ipinabalik din niya ang mga paintings after three days, siya na lang daw ang personal na pipili ng mga art pie­ces na bibilhin niya,” umpisang kuwento ng aming source.

Lumipas ang mga araw, shocking Asia ang gallery owner, may nag-post kasi ng mga retrato ng mga bisita ng female personality sa dinner na ginawa sa bahay niya. Naloka ang gallery owner sa mga nakita niyang pictures!

“Ang mga ipinadala niyang paintings sa bahay ng female persona­lity, e, naka-hang sa wall ng sala niya! Ang gaganda ng paintings, siguradong humanga du’n ang mga bisita ng female personality!

“Nakakaloka, di ba? Inangkin niya ang mga art pieces, kunwari, e, sa kanya na ang mga ‘yun, samantalang hiniram niya lang naman sa gallery owner at ni hindi nga siya bumili ng kahit isa!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

‘Yun na!

Show ni Willie ginawang raket

Kahit sa anong larangan ay maraming ­manloloko ngayon. Sobrang hirap daw ng buhay ang dahilan kaya kahit ano na lang ay niraraket na ng mga kababayan nating tamad at ayaw ­magpapawis at magsakripisyo para sila mabuhay.

Pati ang matagum­pay na programang Wowowin ni Willie Revillame ay ginagawa na ring raket ngayon. May mga malalakas ang loob na nangloloko ng mga kababayan nating gustong makita nang personal ang aktor-TV host at makapanood na rin ng Wowowin.

May mga nagbebenta ng mga t-shirts na sobrang taas ang ha­laga, kinukumbinsi rin ng mga raketero ang mga nandu’n na magbuo sila ng grupong magsusuot ng t-shirts na napakamahal, para kapag nakita sila ni Willie sa audience ay bigyan sila ng pamasahe pauwi sa kanilang probinsiya.

Maraming naloko ang grupo bago pa nakarating kay Willie ang impormasyon. May nagbebenta pa nga ng slot sa programa, mahal ang bilihan, na pinapatulan naman ng mga fans ni Willie para lang siya makita nang personal.

Walang kasiguruhan ang ganu’ng sistema, ang pinakatamang paraan para makapanood sila ng Wowowin ay ang magpa-book sa kaisa-isang lisensiyadong gumawa nu’n, si Martin Tamba na staff mismo ni Willie.

Si Martin Tamba ang nagbibigay ng sche­dule, ng takdang araw at oras, at walang bayad ang panghihingi ng schedule na mapanood nang live ang Wowowin.

Kailangang ma­ging mapagmatyag ang mga tagasuporta ni Willie Revillame, kapag napapansin na nilang may kakaibang gustong mangyari ang nag-aalok ay agad na nilang ipagbigay-alam sa produksiyon ang sitwasyon, para hindi sila mabiktima ng mga raketerong gumagamit sa sikat na TV host at sa kanyang matagumpay na programa.